GMA Logo mothers day 2026 kapuso stars
Source: Miguel Tanfelix / migueltanfelix_ (IG), Kyline Alcantara / itskylinealcantara (IG) & Kylie Padilla / kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kapuso stars, may kanya-kanyang plano at sorpresa sa Mother's Day

By Faye Almazan
Published May 10, 2026 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider died in accident with SUV in Balamban, Cebu
DMW, DOH offer aid to OFWs on Atlantic cruise ship with hantavirus
Binibining Pilipinas 2026 candidates shine at mall fashion show

Article Inside Page


Showbiz News

mothers day 2026 kapuso stars


Paano nga ba ise-celebrate ng mga Kapuso stars ang Mother's Day ngayong taon?

Simple pero meaningful ang karamihan sa selebrasyon ng Mother's Day ng ilang Kapuso stars ngayong taon.

Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas, ibinahagi ng ilang Sparkle artists ang mga plano nila ngayong Mother's Day para sa mga ilaw ng kanilang mga tahanan.

Maliban sa bonding over food at shopping treat sa kanyang nanay, plano ring i-celebrate ni Heath Jornales ang Mother's Day ngayong taon kasama ang kanilang mga kamag-anak.

Ang pamilya rin ni Caprice Cayetano ay madalas na sine-celebrate ang Mother's Day nang sama-sama.

Bukod sa pagsasalu-salo ay nagsisilbing simple gathering rin nila Marco Masa kasama ang kanilang mga kamag-anak ang Mother's Day celebration.

Simple lang din ang Mother's Day celebration ng pamilya ni Miguel Tanfelix. Bukod sa pag-greet at pagbibigay ng flowers sa kaniyang mommy, lola, at mga nanay na kasama sa bahay, minsan ay kumakain din ang kanilang pamilya sa labas.

Kahit naman malayo sila sa kanilang mga nanay, sinisigurado pa rin nina Cheska Fausto, Kyline Alcantara, at Clifford na gawing extra special ang Mother's Day celebration ngayong.

Pagkatapos namang batiin ang kanyang nanay ay may usual routine raw si Kylie Padilla kapag Mother's Day. Pagkatapos makipag-bonding sa mga anak sa umaga ay “me time” naman ang regalo ni Kylie sa kanyang sarili.

RELATED GALLERY: Celebrities post heartfelt messages on Mother's Day