GMA Logo Jak Roberto
Source: jakroberto (IG)
What's on TV

Karakter ni Jak Roberto sa 'Black Rider,' nakilala na

By Kristian Eric Javier
Published July 9, 2024 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boracay tourism feels pinch of rising fuel prices
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Sino ba talaga si Moises Magallanes na ginagampanan ni Jak Roberto?

Mas nakilala na ang karakter ni Jak Roberto sa action drama series na Black Rider na si Moises Magallanes kagabi, July 8. Una nang ipinakilala ito noong nakaraang linggo ngunit ngayon ay mas nabigyan na ng detalye kung sino ba siya talaga.

Ilang fans din ang may mga haka-haka online kung may relasyon ba siya kay Elias Guerrero played by Ruru Madrid dahil pareho silang magaling makipaglaban. Sa interview ni Jak kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, walang kinumpirma o itinanggi ang aktor.

“Nasa'kin pa lang 'yung medalyon pero malay n'yo, maraming pwedeng takbuhin 'yung storya e. 'Yun pala sinabit lang sa'kin, 'yun pala nasa Korea talaga 'yung totoong ano, hindi natin alam e,” sabi niya.

Ito ang first time na makatrabaho ni Jak si Ruru sa isang full-length serye at ayon sa kanya, malaki na ang ipinagbago ng aktor, lalo na pagdating sa action.

“Sobrang laki ng talon ng maturity ni Ruru dito, parang ano siya, kumbaga full-grown na action star,” sabi niya.

Hiling umano ni Jak ay mas mabigyan pa sila ni Ruru ng maaaksyong eksena sa serye.

BALIKAN ANG IRONMAN MOTORCYCLE CHALLENGE NI JAK SA MINDANAO SA GALLERY NA ITO:

Samantala, bukod sa action ay kilala rin ang Black Rider sa paggamit ni Ruru ng motor bilang isang vigilante at sa trabaho niya sa serye. Dahil mahilig din sa motor si Jak, dapat rin umano abangan ng mga manonood kung madadala ba niya ang hobby na ito bilang parte ng kanyang role.

Sa ngayon, abala si Jak sa paglilibot sa buong Pilipinas sakay ng kanyang motor kasama ang kanyang grupo. Katunayan, target nila ang libutin ang Visayas soon.

“'Yung mga hindi namin napuntahan nu'ng inikot namin 'yung Luzon, 'yung Mindanao, so kinukumpleto namin, may mga few areas pa kami or mga site pa na pupuntahan sa mga susunod pa naming rides,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview ni Jak dito: