
Nagkuwento ang TV host at actress na si Karylle tungkol sa naranasan niyang panta-trashtalk sa “Expecially For You” segment ng It's Showtime nitong Lunes.
Naibahagi ito ni Karylle matapos itanong ng searcher na si Sonny ang tungkol sa panta-trashtalk sa mobile game.
Ayon sa It's Showtime host, sinubukan niyang maglaro ng isang mobile game na nilalaro ng kanyang asawang si Yael Yuzon ngunit nakatanggap siya ng mga hindi kanais-nais na mga salita mula sa ibang gamers.
Related gallery: Karylle and Yael Yuzon's 10 years of wedded bliss
“Na-trashtalk kasi ako e. Sumakit 'yung damdamin ko,” aniya.
Dagdag niya, “Tinry ko lang naman mag-ML kasi nga si Yael nag-e-ML. So nagtatago ako do'n sa grass tapos minsan nag-a-attack ako mag-isa, puntahan ko si Lord, ganyan.”
“Minura ako ng mga teammate ko. Ba't kayo ganyan? Tinry ko lang naman intindihin 'yung asawa ko e,” hirit pa ng aktres.
Nang tanungin ni Vice Ganda si Karylle kung ano ang sinabi sa kanya ng ibang manlalaro, sagot niya, “masakit at saka mga bata 'yung kalaban.”
Kuwento pa ni Karylle, hindi alam ng mga ito ang kanyang identity dahil “Kulot” ang kanyang ginamit na pangalan sa laro.
Panoorin ang nakaraang episode ng It's Showtime sa ibaba.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.