GMA Logo Karylle as Reyna Elena at Santacruzan 2024 in Intramuros
Photo by: Screenshot from Leo Posadas post
What's Hot

Karylle, rumampa bilang Reyna Elena sa Santacruzan sa Intramuros

By Aimee Anoc
Published May 20, 2024 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle as Reyna Elena at Santacruzan 2024 in Intramuros


Tingnan ang ilang larawan at video ni Karylle bilang Reyna Elena ng Santacruzan 2024 dito.

Rumampa ang OG Sang'gre at It's Showtime host na si Karylle bilang Reyna Elena sa Santacruzan 2024 sa Fort Santiago, Intramuros noong Linggo, May 19.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Karylle ang post ng makeup artist na si Leo Posadas kung saan makikita ang behind-the-scenes habang inaayusan siya at suot ang magarbong gray gown na inirampa niya sa Santacruzan 2024.

Isang post na ibinahagi ni Leo Adonis Posadas . MAKEUP ARTIST (@leoposadas)

Kasama rin ni Karylle sa Santacruzan ang inang si Zsa Zsa Padilla na rumampa naman bilang Reyna Emperatriz.

Sa video na ibinahagi ni Yang Manoba Oloroso sa Facebook, makikita ang paglalakad nina Zsa Zsa at Karylle sa prusisyon, na nakangiting kinakawayan ang kanilang mga tagahanga.

Samantala, subaybayan si Karylle bilang host ng It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12:00 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

TINGNAN ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAGING BAHAGI RIN NG SANTACRUZAN SA GALLERY NA ITO: