
Nitong Hulyo ay nagdiwang ng 19th anniversary ang bagong Wish Ko Lang, at bukod sa star-studded episodes ay may handog ding 19 Instant Wishes Promo ang iconic Kapuso program.
Isa sa mga mapalad na nanalo sa 19 Instant Wishes Promo ay ang estudyanteng kasambahay na si Marjorie Sibal.
Maagang natutong magbanat ng buto si Marjorie. Bukod sa pagtulong niya sa paglalako ng taho ng kanyang ama ay namasukan din siya bilang kasambahay habang siya'y nag-aaral.
Nitong Pebrero lamang ay inatake sa puso at pumanaw ang tatay ni Marjorie, isang buwan bago siya magtapos ng senior high school with honors.
Dahil sa biglaang pagkaulila, naging problemado si Marjorie. Hindi niya alam kung paano sila mabubuhay ng kanyang kapatid, kung paano sila makakabayad ng upa at ibang gastusin, lalo na at ECQ noong panahong 'yun.
Wala rin siyang ibang matakbuhan o masandalan dahil inabandona na sila ng kanilang ina noong maliit pa lamang sila. Ang naging step mother naman nila, hindi na nagpakita simula nang mamatay ang kanilang ama.
Kaya naman nagbakasakali siya at sumali sa 19 Instant Wishes Promo ng bagong Wish Ko Lang.
At noong July 24, natupad na ang hiling ni Marjorie na magkaroon ng full college scholarship nang mapili siyang weekly winner sa 19 Instant Wishes Promo.
Sa katunayan, nakapagsimula na siya nitong August 16 sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Colegio de San Gabriel Arcangel.
Bukod pa sa biyayang scholarship ay nakatanggap din si Marjorie ng negosyo package worth P75,000, tablet computer, Wi-Fi, at Wish Ko Lang Money Bowl.
Sa kanyang post sa Facebook, nagpasalamat si Marjorie sa Wish Ko Lang para sa instant katuparan ng kanyang hiling.
“Maraming salamat po, Wish ko Lang. Sana po mas marami pa po kayong matulungang katulad ko pong nangangailangan po,” ani Marjorie. “Ngayon po ay nag uumpisa na ako sa aking pag aaral at hindi ko po sasayangin ang ibinigay n'yo pong oportunidad upang makapagtapos po ako ng pag aaral.”
Kahit tapos na ang 19th anniversary celebration ng bagong Wish Ko Lang, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng magandang pagbabago ng nag-iisang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.
Sa mga nais sumali sa 19 Instant Wishes Promo, abangan lang ang post sa official Facebook page ng bagong Wish Ko Lang kung saan ninyo iko-comment ang inyong wish.
At abangan din ang mga kuwentong puno ng inspirasyon at pag-asa sa bagong Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: