
Marami ang natuwa at bumilib sa naunang dalawang 19th anniversary episodes ng bagong Wish Ko Lang na “Ang Forever ni Miss Virgie” at “Mr. Right,” starring ang bagong Kapuso na si Pokwang at ang award-winning actor na si Christopher de Leon.
Naantig ang karamihan sa istorya ng "Ang Forever ni Miss Virgie” na pinagbidahan ni Pokwang, at marami rin ang humanga sa kanyang galing sa pag-arte.
Hinangaan rin ng viewers at netizens ang walang-takot na pagtalakay ng programa sa mga sensitibong paksa tulad ng May-December love stories.
Tulad naman ng inaasahan, nabilib at naka-relate ang marami sa performance ng premyadong aktor na si Christopher de Leon sa kanyang first-ever gay role sa “Mr. Right” episode.
Sa sobrang galing nga ng pagkakagawa ng episode at ng portrayal ni Christopher, may ilang humihiling na sana raw ay gawin itong teleserye.
At bukod sa mga kuwentong tampok, tuwang-tuwa rin ang avid viewers at followers ng bagong Wish Ko Lang sa kanilang 19th anniversary promo na 19 Instant Wishes.
Sa buong buwan kasi ng Hulyo, may 19 wishes na tutuparin ang programa at ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.
Kaya kung may wish ka na nais mong matupad, manood lang tuwing Sabado ng bagong Wish Ko Lang at i-follow ang kanilang official Facebook page para sa pagkakataong mapili para sa 19 Instant Wishes promo.
Mayroon pang tatlong 19th anniversary episodes na dapat abangan ngayong Hulyo.
Ngayong Sabado, July 17, mapapanood ang nagbabalik Kapuso at award-winning actor na si Albert Martinez sa “A Second Chance” episode.
At ang The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda ang aawit ng espesyal na theme song para sa nasabing episode na pinamagatang “Maniwala Ka Lang.”
Huwag palalampasin 'yan ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: