GMA Logo katrina halili and shayne sava
Source: gmanetwork/IG
Celebrity Life

Katrina Halili, Shayne Sava, dumalo sa Chinese New Year celebration sa Manila

By Kristian Eric Javier
Published January 30, 2025 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What to do with leftover food from New Year's Eve?
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili and shayne sava


Nakisaya sina 'Mommy Dearest' stars Katrina Halili at Shayne Sava sa naganap na Chinese New Year countdown sa Manila.

Bagamat may dugong Chinese, ito ang unang pagkakataon ni Katrina Halili na maki-celebrate sa Chinese New Year countdown sa isang mall sa China Town sa Manila. Kasama niya rito ang Mommy Dearest co-star niyang si Shayne Sava.

Sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras nitong Miyerkules, January 29, sinabi ni Katrina na kahit hindi siya nakakapagdiwang ng Chinese New year ay may Chinese beliefs and practices pa rin siyang sinusunod.

“Minsan bumibili din ako 'yung mga fruits, 'yan, bumibili ako, tapos 'yumg mga charms and crystals siyempre, nagsusuot din tayo niyan,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG PINOY CELEBRITIES NA MAY DUGONG CHINESE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, natutuwa naman sina Katrina at Shayne sa sunod-sunod ang mga proyekto nilang magkasama lalo na at naging malapit sila sa isa't isa nang maging mentor ni Shayne si Katrina sa StarStruck season 7. Ani Shayne, “nostalgic” ang kanilang pagsasama sa event at sa Mommy Dearest.

“Dati po siya 'yung nagtuturo sa'kin kung ano 'yung mga sequences, kung ano 'yung breakdown, ganu'n. So ang dami ko pong natutunan sa kaniya,” sabi ni Shayne.

Pag-amin naman ni Katrina ay nagulat siya nang makasama niya sa serye si Shayne, lalo na at hindi naman niya napapanood ang mga ginagawang proyekto ng kaniyang dating mentee pagkatapos ng StarStruck.

“Nu'ng nakasama ko po siya, nagulat ako kasi sobrang magaling. Sabi ko, 'Ang galing ng batang 'to,'” sabi ni Katrina.

Ngayong February na ang ipalalabas ang Mommy Dearest, kung saan makakasama nina Katrina at Shayne si Camille Prats. Kakaiba at bagong karakter ang gagampanan ng huli rito kaya naman excited na rin ang dalawang stars na mapanood ng mga tao ang kanilang serye.

“Asahan po nila sobrang drama, siyempre asahan po nila kasi si Camille Prats, first-time niya pong magko-kontrabida rito. Excited ako kasi panibagong Camille ' yung makikita nila,” sabi ni Katrina.

Dagdag ni Shayne, “Panigurado po, iiyak po sila at madami po silang emosyon na mararamdaman, lalong-lalo na makaka-relate po sila sa baawat character kasi it was well-written.”

Panoorin ang buong panayam kina Katrina at Shayne dito: