GMA Logo Kelvin Miranda wins Drama Prince Award
Photo by: iamkelvinmiranda (IG)
What's Hot

Kelvin Miranda receives Drama Prince Award at OFW Gawad Parangal

By Aimee Anoc
Published December 19, 2023 10:19 AM PHT
Updated December 19, 2023 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

North Korea says nuclear capability will be updated steadily, KCNA reports
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda wins Drama Prince Award


Kinilala si Kelvin Miranda bilang Drama Prince sa 12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal.

Isang panibagong parangal na naman ang natanggap ng Sang'gre actor na si Kelvin Miranda!

Ginawaran si Kelvin ng Drama Prince Award sa 12th OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI o Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc., na ginanap noong Sabado, December 16, sa Anchor Center Bldg. sa Quezon City.

Bukod dito, ilan sa parangal na natanggap ng aktor ngayong taon ay ang Teen Actor of the Year mula sa Best Awards 2024 at ang Outstanding Youth of the Philippines 2023 mula sa Most Outstanding Men & Women of the Philippines 2023.

Sa ngayon, abala si Kelvin sa paghahanda sa gagampanang role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa pagpapatuloy ng iconic telefantasya na ito ng GMA, si Kelvin ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Makikilala siya bilang Adamus, anak ni Alena.

Makakasama niyang bibida sa serye sina Bianca Umali bilang Terra, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Congratulations, Kelvin Miranda!

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: