
May extra challenge ang dating Mano Po Legacy co-stars na sina Ken Chan at Rob Gomez sa kanilang paglalaro sa The Wall Philippines ngayong Linggo, November 13.
Sa teaser ng upcoming episode ng nasabing weekend game show, game na game na sumalang sa hamon ng The Wall ang Kapuso heartthrobs na sina Ken at Rob kasama ang TV host na si Billy Crawford.
Sa naturang teaser, makikita na si Ken ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions habang ang kanyang partner naman na si Rob ang maiiwan sa stage kasama si Billy upang magkasa ng bola patungo sa wall.
Makikita sa pasilip ng teaser na magkakaroon ng maling sagot si Ken na katumbas ng isang red ball. Ang nasabing red ball ay may kakayahang magbawas ng pera sa kanilang money bank.
Makabawi kaya ang dalawa sa mga hamon ng higanteng pader? Makuha kaya nila ang higit sa sampung milyong pisong premyo?
Abangan ang isa na namang intense na episode ng The Wall Philippines, kasama sina Ken at Rob ngayong Linggo, November 13, 3:35 ng hapon sa GMA. Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
KILALANIN ANG CELEBRITY PLAYER NGAYONG LINGGO SA THE WALL PHILIPPINES NA SI ROB GOMEZ SA GALLERY NA ITO: