GMA Logo Ken Chan Prinsipe Zardoz Voltes V Legacy GMA
What's Hot

Ken Chan, excited na para sa aktor na gaganap bilang Prinsipe Zardoz sa 'Voltes V: Legacy'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 5, 2020 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan Prinsipe Zardoz Voltes V Legacy GMA


Ibinahagi ni Ken Chan ang kanyang galak sa aktor na makakakuha ng role sa 'Voltes V: Legacy.'

Wala pa mang final cast ang Voltes V: Legacy, malaki na ang galak na pinaparamdam ni Ken Chan sa mga aktor na makakuha ng coveted roles ng upcoming live-action adaptation.

Ipinahayag ito ni Ken sa isang eksklusibong interview sa GMANetwork.com ngayong March 5.

Aniya, “Alam niyo sobrang excited na ako sa mga gaganap sa Voltes V.

“And naalala ko kasi nung nag-dub ako as Prince Zardoz talagang isa sa mga pinangarap na roles ko 'yun -- na gumanap sa Voltes V. Kasi noon pinapanood ko 'yan, '90s kid, 'di ba?”

Maalalang binigyang buhay ni Ken ang iconic villain at Bozanian Prince noong 2017.

This is it! Mapapanuod niyo na ulit ang inabangan at paborito ng lahat ang Voltes V.Ako po ang magboboses kay Prince Zardoz starting on Monday March 27 (8:25 am) sa GMA7 #VoltesV

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

Dagdag pa niya, “Talagang ang sarap lang na mapasama ka at mapabilang sa isa sa mga characters ng Voltes V at si Prinsipe Zardoz pa --isa sa mga iconic characters sa anime.”

Ibinahagi rin ng Kapuso actor ang kanyang galak sa aktor na makakakuha ng role sa Voltes V: Legacy.

Ani Ken, “Excited ako kung sinong gaganap sa Prinsipe Zardoz dito sa gagawing Voltes V: Legacy ng GMA.

“Looking forward ako kasi for sure magiging maganda 'to at magiging successful ito dahil si Direk Mark Reyes ang makakasama nila. Si Direk Mark yan! Kilala naman natin si Direk Mark na kung gumawa sobrang husay at excited ako at happy ako sa magiging part ng Voltes V.

“Ngayon pa lang, kino-congratulate ko na sila dahil alam ko na nararamdaman ko na magiging successful ito,” pagtapos nito.

Sa ngayon wala pa rin inaanunsyong final cast ang acclaimed director.

Abangan ang ilan pang updates sa Voltes V: Legacy dito lang sa GMANetwork.com.

Netizens compare scenes from 'Voltes V: Legacy' teaser and original anime

LOOK: Fans share their would-be cast for the upcoming 'Voltes V: Legacy' live adaptation