GMA Logo Ken Chan
What's Hot

Ken Chan, handa na para sa lock-in taping ng 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos
Published January 12, 2021 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Tatagal nang ilang linggo ang unang cycle ng lock-in taping ng 'Ang Dalawang Ikaw.'

Ready na si Ken Chan para sa lock-in taping ng kanyang bagong GMA drama na Ang Dalawang Ikaw.

Sa kanyang Instagram Story kahapon, January 11, ipinost ni Ken ang taping essentials na dadalhin niya sa unang cycle ng kanilang closed group shoot na tatagal nang ilang linggo.

Makikita rito ang anim na storage box na puno ng pagkain at toiletries, at ang tatlong maleta na naglalaman ng kanyang mga damit.

Ani Ken, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa lock-in taping, at "excited" at "looking forward" na raw siya rito.

Tila sanay at alam na ni Ken ang mga paghahandang gagawin kapag ganito ang setup ng produksyon dahil naranasan na niya ito nang mag-shoot sila ng kanyang katambal na si Rita Daniela para sa kanilang debut film na My First and Always noong nakaraang taon, kung kailan ipinatupad ang mas relaxed na community quarantine.

Ang pagpapatupad ng closed group shoot sa mga film at TV production ay alinsunod sa patakaran ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa kalusugan at seguridad ng cast, staff, at crew kontra COVID-19.

Bukod pa rito, kailangan ding magsagawa ng regular na swab testing ang management ng programa sa mga lalahok sa lock-in taping, at pairalin ang pagsusuot ng protective face mask kapag wala sa eksena. Lilimitahan din ang bilang ng mag-ookupa sa bawat tent para ma-maintain ang distancing.

Ken as a person with dissociative identity disorder

Bukod sa paghahanda ng kanyang taping essentials, lubos ring pinaghahandaan ni Ken ang kanyang role bilang Nelson, isang lalaking may dissociative identity disorder o DID.

Kinailangang kumonsulta ni Ken sa adult psychiatrist na si Ma. Bernadette Manalo-Arcena ng St. Luke's Medical Center at The Medical City Clark para sa kanyang karakter dahil magkakaroon ito ng multiple personalities.

Matatandaang si Doc Bernadette din ang consultant ng My Special Tatay team sa pagbuo ng karakter at kuwento ni Boyet na ginagampanan ni Ken.

Sa kuwento ng Ang Dalawang Ikaw, magkakaroon ng isa pang karakter si Ken bukod kay Nelson---si Tyler, kaya naman aminado siyang mahirap at very challenging ang kanyang role.

Malayo sa mahinang personalidad ni Nelson, si Tyler ay isang gun dealer at smuggler kaya kinailangan ng aktor na sumailalim sa isang firearm training.

"Kinakabahan ako sa bawat kwentong ibinibigay sa 'kin," aniya sa panayam ng GMANetwork.com.

Gayunpaman, masaya naman daw si Ken na maging instrumento para magbigay ng kamalayan tungkol sa sakit na DID sa mga manonood.

Makakatambal ni Ken sa Ang Dalawang Ikaw ang kanyang Kapuso love team na si Rita Daniela na gaganap bilang asawa ng kanyang karakter na si Nelson--si Mia.

Mapapanood ang serye sa GMA-7 soon.