
Patuloy pa ring sinusubaybayan ng viewers ang karakter ni Ken Chan sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Si Ken ay isa sa mga leading man ni Jillian Ward (Analyn) sa naturang medical drama series.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Sparkle star at Kapuso hottie, ibinahagi niya ang kaniyang nararamdaman tungkol sa pagkakabilang niya sa serye.
Ibinahagi rin ni Ken na hindi niya inaasahan na matagal siyang mapapanood sa serye.
Masaya niyang sinabi, “I feel so blessed and thankful… sabi kasi nila noong una, two weeks lang ako sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' pero ngayon nakaka-kalahating taon na ako.”
Ayon pa sa kaniya, “I'm beyond blessed and grateful na tumagal 'yung character ko as Doc Lyndon.”
Si Doc Lyndon ay nagtatrabaho sa Eastridge Medical Hospital, ang ospital kung saan nagtatrabaho din si Doc Analyn, ang role ni Jillian.
Siya ay sikretong umiibig sa pinakabatang doktor sa bansa.
Patuloy na subaybayan si Ken Chan sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.