GMA Logo Kim Chui and Xian Lim
What's on TV

Kim Chui, nagbigay ng suporta sa first Kapuso teleserye ni Xian Lim na 'False Positive'

By Marah Ruiz
Published May 2, 2022 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chui and Xian Lim


Nagbigay ng suporta si Kim Chui para sa 'False Positive,' ang unang teleserye ng boyfriend na si Xian Lim para sa GMA.

Nagpahayag ng suporta ang Kapamilya actress na si Kim Chui para sa False Positive, ang unang Kapuso teleserye ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, inanyayahan niya ang kanyang followers na tumutok sa fantasy rom-com series ni Xian.

Nag-congratulations din siya kay Xian, sa co-star nitong si Kapuso actress Glaiza De Castro at sa direktor ng serye na si Irene Villamor.

Sa False Positive, gaganap si Xian bilang Edward, workaholic na asawa ni Yannie--karakter naman ni Glaiza.

Magkakaroon sila ng 'di inaasahang gender switch kaya si Edward ang makakaranas ng pagbubuntis, imbis na si Yannie.

Sa isang interview, ibinahagi nina Xian at Glaiza na very supportive ang kani-kanilang mga real life partners sa pagtatambal nila para sa False Positive.

Nakatakdang mag-premiere ang False Positive ngayong gabi, May 2, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Bukod sa telebisyon, maaari ring mapanood ang unang linggo nito via livestreaming sa YouTube channel ng GMA Network.