GMA Logo Kimson Tan, David Licauco and Nikki Co
Photo sources: Kimson Tan (IG), David Licauco (IG), NikkiCo (IG)
What's Hot

Kimson Tan reveals he wants to work with David Licauco and Nikki Co

By Aimee Anoc
Published November 9, 2021 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kimson Tan, David Licauco and Nikki Co


Para kay Kimson Tan, malaki ang maitutulong sa kanya ng mga kapwa Chinoy na sina David Licauco at Nikki Co.

Isa sa pinakabagong Kapuso actor ngayon ng GMA si Kimson Tan. Bilang isang Kapuso, ibinahagi ni Kimson na nais niyang makatrabaho ang kapwa 'Chinoy' na sina David Licauco at Nikki Co.

"Sila nila David, sila Nikki, kasi sila 'yung ahead sa akin na Chinese. Feel ko mas mabibigyan nila ako ng advices," pagbabahagi ni Kimson.

"Mabibigyan nila ako ng mga puwede kong makuhang aral sa kanila dahil parehas kaming mga 'Chinoy' at sila 'yung mas matagal na sa akin sa industry. Feeling ko mas magiging best 'yun sa akin kasi marami akong matututunan sa kanila," dagdag ng aktor.

Sa press interview, bukod kina David at Nikki, ibinahagi ni Kimson na isang malaking 'blessing' para sa kanya na makatrabaho ang iba't ibang artists ng GMA.

"Kahit sino sa GMA artists kasi for sure naman nakapasok sila sa GMA dahil very talented sila, may nakita sa kanila ang GMA. Kaya for me to work with them, na makatrabaho sila, that's a blessing.

"Gusto kong makatrabaho ang iba't ibang tao, matuto sa iba't ibang tao dahil marami namang way ahead sa akin in this industry at marami akong matututunan sa kanila. I think doon ko mas mahahasa 'yung sarili kapag iba't bang artista 'yung makakatrabaho ko," pagtatapos ng aktor.

Naging ganap na Kapuso si Kimson noong Pebrero matapos na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Ayon kay Kimson, isa sa dream role niya bilang Kapuso ay ang mapasama sa isang action series.

Noong 2020, naging parte ang aktor ng Boys Love series na 'In Between,' na pinagbidahan ng bagong Kapuso na si Migs Villasis.

Samantala, kilalanin pa si Kimson Tan sa gallery na ito: