GMA Logo Kiray Celis birthday surprise for Stephan Estopia
Celebrity Life

Kiray Celis, may bonggang surprise para sa kaarawan ng kanyang boyfriend

By Cherry Sun
Published August 18, 2020 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis birthday surprise for Stephan Estopia


“Regalo para sa mga lalaking hindi babaero.” Silipin ang inihandang birthday celebration ni Kiray Celis para sa kanyang nobyong si Stephan Estopia rito.

Pinaulanan ni Kiray Celis ng maraming regalo ang kanyang non-showbz boyfriend na si Stephan Estopia para sa kaarawan nito.

Kiray Celis and Stephan Estopia with their pet dog

Makikita sa Instagram ni Kiray ang kanyang ginawang setup para sa birthday celebration ng kanyang nobyo. Ang kanyang kwarto, napuno ng maraming lobo, naglalakihang teddy bears, bulaklak, gadgets, accessories, sapatos, pabango, at mga inumin at pagkain na kanyang regalo para kay Stephan.

“REGALO PARA SA MGA LALAKING HINDI BABAERO,” diin ng Kapuso star.

Dugtong din ni Kiray, “Kulang lahat ng yan sa pagbibigay mo ng tapat na pagmamahal. Pag-iintindi at sa pagsuporta sa lahat. Araw araw lagi ko pinapasalamatan si Papa God na binigay ka niya sakin. Kasi wala nakong gustong makilala at makasama na iba. Kasi nahanap na kita.”

Sambit din ng aktres, hindi raw matutumabasan ng kahit ano mang salita o regalo ang pagmamahal na natatanggap niya mula kay Stephan.

Pasasalamat niya sa kanyang nobyo, “Thank you for loving me. Thank you for loving my family.. Kaya sa lahat ng babae diyan, hanapin mo yung lalaking hindi lang ikaw yung mahal. Pero mahal rin pati pamilya mo. Mahal yung buong pagkatao mo. Maganda man o panget na tungkol sayo. Yung tanggap ka ng buong buo. Kasi mahal ka niya ng totoong totoo.”

Pahayag din ni Kiray sa dulo ng kanyang post, “Happy birthday, pinaka mamahal ko!”

“REGALO PARA SA MGA LALAKING HINDI BABAERO” Kulang lahat ng yan sa pagbibigay mo ng tapat na pagmamahal. Pagiintindi at sa pagsuporta sa lahat. Araw araw lagi ko pinapasalamatan si Papa God na binigay ka niya sakin. Kasi wala nakong gustong makilala at makasama na iba. Kasi nahanap na kita. ❤️❤️❤️ Kulang lahat ng magagandang salita at magagandang regalo sa pagmamahal na binibigay mo sakin. Thank you for loving me. Thank you for loving my family.. Kaya sa lahat ng babae diyan, hanapin mo yung lalaking hindi lang ikaw yung mahal. Pero mahal rin pati pamilya mo. Mahal yung buong pagkatao mo. Maganda man o panget na tungkol sayo. Yung tanggap ka ng buong buo. Kasi mahal ka niya ng totoong totoo. BTW, PWEDE MO ISANLA O IPA REMATA YUNG GOLD NECKLACE NA REGALO KO. PAG NAGHIWALAY NA TAYO! KUNG MANGYAYARI PA YUN! HIHIHIHI! :) again... HAPPY HAPPY BIRTHDAY, @stephan.estopia! :) Maraming salamat @ltab_gaminghub sa Nintendo switch lite niya with nba and witcher game at sa nike shoes! Solid talaga kayo! :) sa lahat ng naghahanap ng sapatos at console, check niyo page nila. Maraming salamat @tindera_ng_alahas sa napaka ganda niyang gold necklace. Para sa mga legit na ginto, follow niyo sila! Maraming salamat @anns.collection8 sa mga pabango niya! Maraming salamat @floristella.ph sa teddy bear and sa bouquet ng flowers and chocolates niya! Maraming salamat @ppshpmnl sa napaka ganda niyang bouquet ng mga blue flowers and balloons. Maraming salamat @heywaytogo sa white walker! Sa mga gusto ng imported drinks, follow niyo sila. Maraming salamat surprise fairy sa black balloons and happy birthday banner niya. MARAMING SALAMAT PO SAINYONG LAHAT!!! Happy birthday, pinaka mamahal ko! 😍❤️

Isang post na ibinahagi ni Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) noong

December 2019 nang isapubliko ni Kiray ang kanyang relasyon kay Stephan.

ALSO READ:

Netizens, aprub sa pagpapakasal ni Kiray Celis sa kanyang nobyo

IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Kiray Celis