Isang mistersyosong tula ang inilathala ni Kiray Celis na pinamagatang “Tula para sa mga taong nasasaktan dahil iniwan at hindi nila matanggap sa sarili nila na SILA MISMO ang dahilan.”
Isang mistersyosong tula ang inilathala ni Kiray Celis na kanyang pinamagatang “Tula para sa mga taong nasasaktan dahil iniwan at hindi nila matanggap sa sarili nila na SILA MISMO ang dahilan.”
Mahihinuha mula sa sulat ni Kiray ang tula ay para sa mga taong may kasalanan sa pagtatapos ng isang relasyon ngunit ipinapalabas na sila ang biktima ng kanilang pinagdaraanang heartbreak.
Panimula niya, “Tula para sa mga taong nasasaktan dahil iniwan at hindi nila matanggap sa sarili nila na SILA MISMO ang dahilan.”
"Dahil hindi naman lahat ng hiniwalayan, niloko at sinaktan.
"Minsan sila yung dahilan.
"Kaya gumagawa sila ng kwento sa ibang tao para sa kanilang kahihiyan.”
Nagpaabot din siya ng mensahe para sa mga taong niloko at nanloko.
“Sa mga taong niloloko pero hindi kayang lumayo, wag kayong manghinayang sa tagal ng pagsasama niyo.
"Oo mahirap magsimula ulit sa panibagong tao. Pero mas mahirap magstay sa maling tao habang patuloy ka niyang niloloko.
"Para sa mga taong ginawang mukhang masama, hayaan niyo lang sila magsalita.
"Alam niyo kung anong totoo kwento. Kaya deserve niyong mahalin ng totoo.
"Kaya ituloy niyo lang ang pagiging positibo.
"At para sa mga taong iniwan dahil sila yung dahilan, ang una mong gawin, tanggapin mo yung sarili mo.
"At wag mong isisi sa iba yung mali mo.
"Oo walang taong perpekto. Pero hindi ibig sabihin nun pwede kana magloko.
"Matuto ka sa iyong pagkakamali. Para dumating yung taong para sayo at hindi ka na iwan ulit.”
Hindi man malinaw kung para kanino ang tula, masasabing hindi ito angkop para kay Kiray na masayang-masaya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia ngayon.