
Magkahiwalay na nagdiwang ng kanilang first anniversary sina Kiray Celis at non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia nitong Linggo, December 13.
Kasalukuyan kasing nasa lock-in taping kasi ng upcoming Kapuso seryeng Owe My Love si Kiray at bawal siyang lumabas sa location ng taping nilang hangga't hindi ito natatapos.
Source: kiraycelis (IG)
Gayunpaman, naging memorable pa rin ang anniversary nila dahil sinorpresa siya ni Stephan sa set. Pinadalhan siya nito ng boquet ng roses at chocolates.
“Aba aba aba! May paandar naman pala! Nagulat ako may tumatawag. Delivery daw sa baba ng taping namin galing daw kay Stephan Estopia.
"Ayyysuuus naman! Thank you daddy! Super understanding mo.
"First anniv natin asa work ako. Pero iniintindi mo tapos sinurpresa mo pa ako. Thank you. Ikaw na!” post ni Kiray sa social media.
Dagdag pa niya, “Hanggang simbahan na 'to. Chos!”
Please embed: https://www.instagram.com/p/CIuW7FoBTT0/
Siyempre, hindi rin nagpakabog ang komedyante sa paandar ng boyfriend niya dahil may pa-surprise cake rin siya para rito.
Bukod dito, may tribute post din siya para “daddy” niya sa social media. Kalakip nito ang ilan sa mga sweet na sweet na travel photos nila.
“Wala na 'kong masasabi sa kabaitan mo, sa pag-aalaga mo, sa pagmamahal mo, sa pag-iintindi mo.
“Saludo ako sa 'yo. Salamat sa lahat dad. Worth it lahat ng nangyari sa buhay ko kasi binigay ka ni Lord sa 'kin.
"Sobra akong nagpapasalamat sa Kanya kasi nakilala kita. Bonus na lang 'yung naging akin ka,” aniya.
Kilalanin ang “jowable” boyfriend ni Kiray sa gallery na ito:
Samantala, kamakailan ay nag-viral ang graduation photos ni Stephan dahil sa nakakikilig nitong hirit at mensahe para kay Kiray.
Sa isang larawan, nakasulat ang “Mahal na mahal kita Johanna Ismael Celis” sa whiteboard na hawak ni Stephan habang nakasulat naman sa isang photo ang “Kiray lang sakalam.”
Nagbigay kilig ito sa maraming netizens, na nagpahayag ng suporta para sa kanilang dalawa.
Isinapubliko ni Kiray ang kanyang relasyon kay Stephan nang ipagdiwang ng dalawa ang first month nila bilang magkasintahan noong January.
Mula noon ay naging mas open at vocal na si Kiray sa pagbabahagi sa social media ng kanyang relasyon sa kasalukuyan niyang partner at maging ng mga karanasan niya sa mga nauna niyang relasyon.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa aktres, ibinahagi niyang napapag-usapan na nila ng kanyang boyfriend ang pagpapakasal.