GMA Logo kmjs mobile legends live game streamer
What's Hot

KMJS: Choox TV, nakapagpatayo ng bahay dahil sa paglalaro ng Mobile Legends

By Dianara Alegre
Published July 7, 2020 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA, shear line, Amihan, easterlies to bring cloudy skies, moderate to heavy rains
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

kmjs mobile legends live game streamer


Naipatayo ni live game streamer na si Choox TV ang kanyang dream house dahil sa paglalaro niya ng Mobile Legends.

Legendary na maituturing ang Pinoy live game streamer na si Edgar Dumali o mas kilala bilang si ChooxTV pagdating sa paglalaro ng online game na Mobile Legends o ML.

Laki raw talaga sa hirap si Choox at palipat-lipat ng tirahan.

“Palipat-lipat kami ng tirahan dahil ang Papa ko iba't ibang trabaho ang pinapasok tulad ng pagha-hollow block.

"Minsan ang kinakain namin mga kamote na lang. Naglayas din ako dahil gusto ko lang mag-aral," aniya.

Pinag-aral siya ng kanyang mga kapatid ngunit nalulong naman siya sa paglalaro ng online games.

“Hindi ko ito naramdaman dahil binabantayan ako ng tatay ko at pinipigilan na maglaro ng ganito,” sabi ni Choox.

Pero dahil kailangan ni Choox na kumita, iba't ibang trabaho rin ang pinasok niya tulad ng pagtatrabaho sa palengke.

Hanggang sa naisipan na ni Choox na pagkakitaan ang kanyang kinahuhumalingang laro.

Gumawa siya ng YouTube channel kung saan siya nagla-livestream ng paglalaro niya ng ML.

At ang kinita niya sa loob ng tatlong taon niyang pagla-livestream ay ipinagpatayo niya ng kanyang dream house.

KMJS: Mga patok na negosyo kahit may pandemic, alamin!

KMJS: Iba't ibang quarantine game show, nagsulputan online

Please embed: 1.png ; 2.png ; 3.png

Paano ito nagawa ni Choox?

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: