
Mapapanood na sa streaming platform na Prime Video ang ilan sa mga pelikulang handog ng GMA Pictures.
Ito ay ang KMJS' Gabi ng Lagim The Movie at Samahan ng mga Makasalanan.
Sa post ng GMA Pictures, ibinahagi nila na malapit na mapanood sa Prime Video ang KMJS' Gabi ng Lagim The Movie at Samahan ng mga Makasalanan. Ayon sa social media post ng GMA Pictures, "A world of elite entertainment choices will fill your screens soon! Discover them only on Prime Video."
Ang KMJS' Gabi ng Lagim The Movie ay ang 2025 horror film presented by Miss Jessica Soho at pinagbidahan ng star-studded cast na sina Jillian Ward, Sanya Lopez, Elijah Canlas, at Miguel Tanfelix. Ito ay sa ilalim ng direksyon ng acclaimed filmmakers na sina Yam Laranas, Dodo Dayao, at ng GMA Public Affairs' homegrown talent na si King Mark Baco.
Samantala, ang Samahan ng mga Makasalanan naman ay ang 2025 satirical comedy film mula sa GMA Pictures na pinagbidahan nina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, at marami pang iba. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Benedict Mique.
RELATED: Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan'