
Nauuso ngayon ang bagong klase ng pagbebenta online, ang live selling. Kanya-kanya na rin ang gimmick ng mga entrepreneur para makakuha ng atensyon ng customers.
Kamakailan ay nag-trending ang 18-anyos na online seller na si Stefania “Steff” Alvarez dahil sa kanyang agaw-pansing live selling ng sapatos at relo. Ang live selling niya kasi ay humahakot ng one million views.
Biruan tuloy online ngayon ang paninikip ng dibdib ng ilang nobya at misis dahil pinapanood ng kanilang mga karelasyon ang live selling ni Steff, na nakasuot daw ng revealing outfit habang inaalok ang mga tinda niya online.
“Ganito lang po talaga manamit kasi nga po sanay ako at mas nae-embrace ko 'yung sarili ko. Naiisip ko na lang na asset ko na lang po kumbaga 'yung boobs ko kaya pine-flex ko na lang din po siya.
“'Yung mga lalaki po na sinasabi rin po nila na parang kasama po sa parang marketing strategy kop o 'to, siguro po yes po pero hindi naman po talaga iyon 'yung pinaka-goal ko,” pahayag ni Stefania nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dagdag pa niya, dahil maraming nanonood sa kanya, mas ginaganahan umano siyang magbenta.
“Since nag-trending po, of course 'yung mga tao mapupunta po dun sa page out of curiosity. Nagugulat po ako pero at the same time na-o-overwhelm po ako kaya mas nakakagana rin po mag-live,” aniya.
Aminado si Stef na maraming nagma-“mine” sa kanyang mga ibinebenta, pero nakakatanggap din siya ng pambabastos.
“Sobrang laki daw po ng size baka raw po oversize sa kanya. Meron din naman pong iba na pinapaurong kami ng konte hindi daw po kita 'yung item,” sabi pa niya.
Samantala, dahil sa mga nababasang bastos na komento, hindi maiwasan ng ina ni Steff na mabahala.
“Siguro daw po sarado na 'yung club kaya ginagawa ng anak ko 'yon.
"Those were hurtful words na… Ganun ka ba ka-morally upright talaga na you have all the guts to criticize a person you don't even know. Sobrang nakakabwisit.
“Alam mo 'yun, 'yung parang gusto mong basagin 'yung mga mukha nila. Hindi ko siya pinalaking ganon. Although with my daughter alam niya 'yung limtation niya,” emosyonal na pahayag ng ina ni Stef na si Rosa Alvarez.
Bukod dito, iniintriga rin si Steff na fake raw umano ang dibdib niya.
“Nagsusuot daw po ako ng fake silicon boob tapos sinasabi po nila na, 'Na-scam ako ang dami ko pa namang binili tapos ganito lang pala fake lang pala',” ani Steff.
Kaya ang mensahe niya sa kanila, “Hindi po fake ang boobs ko, guys. Wala po akong sinusuot na silicon dito ngayon. Totoong-totoo siya.
"Hindi po ako nagpagawa, guys, kahit saan n'yo po tingnan na ospital. Kahit po 'yung ilong ko, hindi po gawa 'yan.”
Pero kahit maraming ang nagtuturing na “blessing” ang pagkakaroon ng malaking dibdib, kalbaryo raw para kay Steff ang pagkakaroon nito lalo na habang nagdadalaga siya.
“Grabe 'yung mga nae-encounter ko na pangka-catcall, mga pambabastos,” aniya.
Sa gitna ng kanyang pagbabalik-tanaw sa mga naranasang pambabastos ay hindi naiwasan ni Stef ang mapaluha.
“Kasi, medyo traumatized din po siya . May time din na kahit hindi naman ako naka-revealing na clothes, tinitingnan po talaga ako ng mga tao.
“Hindi po kasi ako sanay na tinitingnan ako masyado. Iba po kasi 'yung tingin na nagandahan lang sa 'yo,” sabi pa niya.
Panoorin ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa viral online live seller na si Steff Alvarez dito:
Samantala, narito ang ilang celebrities na nag-umpisa ng business ngayong may pandemic:
Related content:
KMJS: Lalaki, sampung beses nagparetoke dahil sa bullying
KMJS: Ang babaeng buwis-buhay sa pagsaklolo sa alagang aso