GMA Logo Rachelle Equinan at alaga nitong si Buddy
What's Hot

KMJS: Ang babaeng buwis-buhay sa pagsaklolo sa alagang aso

By Dianara Alegre
Published January 21, 2021 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Rachelle Equinan at alaga nitong si Buddy


Nahagip at nakaladkad ng tren ang 19-anyos na si Rachelle Equinan dahil sa pagsagip sa alaga nitong aso na si Buddy.

Nag-viral kamakailan ang isang babaeng buwis-buhay na sinagip ang kanyang alaga aso na si Buddy. Naglakas-loob itong sagipin ang alaga niya kahit na mahagip pa siya ng tren.

Dahil nakatira sa tabi ng riles ng tren, alerto lagi ang mga taga Barangay 593 sa Sta. Mesa, Manila sa tuwing daraan ang tren. Bukod kasi sa kanilang mga sarili, kailangan din nilang protektahan ang kanilang mga alagang hayop.

Dahil ang ilan sa mga ito, lalo na ang mga aso, ay hindi mapakali at nagwawala sa tuwing naririnig ang busina ng tren.

Gaya na lamang ng alagang aso ng 19-anyos na Rachelle Equinan na si Buddy. Tumakbo ito patungo sa direksyon ng tren nang marinig na paparating na ito. Agad itong hinabol ni Rachelle para sagipin. Nakaligtas si Buddy sa tiyak na kapamahakan ngunit hindi ang kanyang amo.

Rachelle Equinan at alaga nitong si Buddy

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, nahagip at nakaladkad ng tren si Rachelle ng halos dalawang metro. Duguan at wala nang malay itong nang makita ng pamilya niya kaya agad siyang itinakbo sa ospital. Sa kabuting-palad, nakaligtas si Rachelle.

“Part na po siya ng family namin. Nakapagpasaya po siya sa akin, sa amin po kaya ganun ko na lang po talaga kamahal 'yung mga aso namin,” lahad ni Rachelle ng makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Dahil sa pagkakaladkad sa kanya ng tren, lumihis ang buto sa balakang niya dahilan para magkaproblema siya sa paglalakad.

Rachelle Equinan

Aminado ang pamilya ng dalaga na wala silang pagkukunan ng panggastos sa pagpapaospital at treatment ni Rachelle na umaabot sa PhP 70,000.

“Sa totoo lang po, sobrang excited na po talaga akong gumaling kaya tinutulungan ko rin po 'yung sarili kong lumakas magpagaling po para makita ko na rin 'yung pamilya ko.

“Sobrang thankful ko kay God na hindi po ako nawala po. Sobrang sorry po sa kanila kasi parang masyado na po akong pabigat sa kanila dahil po sa nangyari sa akin,” ani Rachelle.

Kahit na nalagay sa peligro, sinabi ng ina at kapatid ni Rachelle na sina Elsie Equinan at Jenny Rose Equinan na proud sila sa kabutihan ng anak.

“Magpagaling ka na. Lakasan mo ang loob mo kasi sobrang hirap 'pag wala ka. Hindi ko kaya. Sobrang bilib ako sa 'yo,” lahad ng ina niyang si Elsie.

“Dahil despite sa nangyari, lumalaban ka at alam kong kayang-kaya mo 'yan,” sabi ni Jenny Rose.

Samantala, dahil naantig sa kabayanihan ni Rachelle, nagpatulong si Queen of Creative Collaboration at animal rights advocate Heart Evangelista sa netizens na hanapin ito.

Nanawagan din ang aktres sa publiko na sama-sama nilang tulungan si Rachelle.

“To all the dog lovers out there ... let's show her some love ... we would do the same,” post ni Heart sa social media.

Rachelle Equinan

Sa mga nais na magpahatid ng tulong kay Rachelle at sa pamilya nito, maaaring magpadala sa mga sumusunod:

BDO savings account / Account name: JENNY ROSE L. EQUINAN / Account number: 000550276203

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

WATCH: Top 'KMJS' stories of 2020

KMJS: The Christine Dacera case