
Bilang paggunita sa ika-500 taong anibersaryo ng Victory at Mactan sa Cebu na pinamunuan ng pinaniniwalaang kauna-unahang bayaning Pilipino na si Lapulapu, naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng commemorative banknote kung saan nakaimprenta ang mukha nito--ito ay ang Lapulapu Commemorative P5,000 banknote.
Bukod kay Lapulapu, nakaimprenta rin sa harap nito ang imahe ng Battle of Mactan pati na rin ang Karakoa o ang warship na ginamit ng mga sinaunang Pilipino.
Sa likod nito ay makikita naman ang Philippine eagle o ang tinatawag na Manaol na kumakatawan daw sa paniniwala noon na ang lahat ng mga nilalang ay nagmula sa agila.
May sukat itong 216 millimeters by 133 millimeters.
“Nagpapalabas kami ng mas malaki to give premium din dun sa event. Very limited edition lang. Pwede mo siyang ipambayad at pwede kang suklian,” pahayag ni Sarah Curtis, Deputy Director ng Banknotes and Securities Production Management Department ng BSP.
Bukod sa Lapulapu Commemorative P5,000 banknote, naglabas din ang BSP ng Lapulapu Commemorative Medal na gawa sa pilak at may bigat na 31 grams.
May nakaukit ditong imahe ni Lapulapu na batay sa rebulto nito sa Mactan Shrine sa Cebu.
“Pwede natin itong bilhin sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Maglalabas muna ng guidelines sa March kung papaano natin pwede itong ma-avail,” ani Joseph Norbert David, Deputy Director ng Mint and Refinery Operations Department sa BSP.
Si Lapulapu ang Datu ng Mactan na kauna-unahang namuno sa grupo ng mandirigmang lumaban sa pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas noong 1521.
Tunghayan espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS):
<
Related content:
KMJS: Lalaki, sampung beses nagparetoke dahil sa bullying
KMJS: Ang babaeng buwis-buhay sa pagsaklolo sa alagang aso
WATCH: Top 'KMJS' stories of 2020