GMA Logo gardo versoza on kmjs
What's Hot

KMJS: Sekyu TikTokerist meets Gardo Versoza!

By Dianara Alegre
Published September 16, 2020 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

gardo versoza on kmjs


Sekyu TikTokerist na si Nel Nida at Gardo Versoza nagtagisan ng galing sa pagsasayaw sa 'KMJS'!

Agaw-atensyon sa social media ngayon ang TikTok dance videos ng security guard na si Nel Nida na todo hataw sa pagsasayaw.

May entry na nagsasayaw siya na mala-Jabbawockeez, todong pagkembot at mayroon ding popping at locking style.

Taga Butuan City, Agusan del Norte, at aniya, kilala na siya ng lahat ng mga taong pumupunta sa institusyon kung saan siya naka-duty.

Please embed: 1.png
IAT: Nel Nida

“Kilala na po ako sa lahat ng mga pasyente diyan sa mga pinagtatrabahuan ko,” aniya.

Ayon pa kay Nel, ang pagod mula sa dagdag na gawain para sa katulad niyang security guard, kabilang na ang pagsusukat ng temperatura ng publiko, ay idinaan na lamang niya sa paggawa ng dance videos sa TikTok.

“Para ma-exercise 'yung katawan at saka pampawala ng antok,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi ni Nel na bago naging security guard ay isa siyang dancer at choreographer sa mga resto bar.

“Isa po akong production performer ng bulalo restaurant sa Cebu,” sabi pa niya.

At upang pantayan ang energy level ni Nel, ipinakilala siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho team sa aktor at crowd favorite na si Gardo Versoza.

Tulad ni Nel, patok na patok din ang mga dance video ni Gardo sa netizens.

Siyempre pa, ang kanilang pagkikita kahit online lang ay hindi nawalan ng kulitan at sayawan!

Nel Nida at Gardo Versoza

Tunghayan ang kanilang pagkikita at dance duet sa pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: Viral na pagkikita nina Richelle at Joebert, mala-Koreanovela

KMJS: Jayson Lee, P-Pop idol na!