
Opisyal nang kinumpirma ni Kobe Paras na dating na sila ni Shining Inheritance star Kyline Alcantara.
Kinumpirma ni Kobe ang relationship status nila ni Kyline sa isang exclusive interview ng Cosmopolitan Philippines magazine. Sa panayam sa kaniya, tinanong ang basketball athlete kung sino ang kaniyang biggest crush, at sinagot niya ito ng “Kyline Alcantara because we are dating.”
Matatandaan na ilang beses nakitang magkasama ang dalawa, dahilan para magkaroon ng spekulasyon ang netizens tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Sa GMA Gala noong July, nakita rin silang magkasama at natanong kung ano ang real score sa pagitan nila.
Paglilinaw ni Kobe noong mga panahon na iyon, “We are great friends. Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?”
Dagdag pa ng basketball athlete, “We are just great friends right now, really close friends.”
Sa panayam naman ni Kyline sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto, hindi rin sinagot ng aktres ang tanong ni Boy Abunda kung sila na ba ni Kobe.
“Patawad po, Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon. But all I can say is he makes me happy,” sagot noon ng aktres.
Sa hiwalay na interview sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, idiniin ni Kyline na “what you see is what you get” sa kung ano ang meron sa kanila ni Kobe.
“Again, sinabi ko naman po before, it's not my responsibility to explain or confirm or deny anything,” ani Kyline.
Panoorin ang report sa "Unang Balita" dito:
BALIKAN ANG BIRTHDAY CELEBRATION NI KYLINE KASAMA SI KOBE SA NEW YORK SA GALLERY NA ITO: