
Mula sa siyam na bansang naglaban-laban, naiuwi ni Leonardo “Kodie” Macayan ang titulong Mr. Gay World 2020.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagwagi ang Pilipinas sa nasabing international pageant. Una ay si John Raspado na nanalo noong 2017 at sumunod si Janjep Carlos na Mr. Gay World 2019.
Sa Instagram, nagpasalamat si Kodie sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa kaniya.
“We did it, Philippines! Thank you so much for taking this beautiful journey with me and held on until we have achieved this victorious back to back milestone at @mgworg .” caption ni Kodie.
Dagdag pa niya “I can't find the right words to express the overwhelming joy that I feel right now and the gratitude that I have for all the love and support that I have been receiving from everyone.”
Bukod sa titulong Mr. Gay World 2020, nasungkit din ni Kodie ang Best in National Costume at Personal Interview Award. Alay din daw ni Kodie ang kaniyang pagkapanalo sa lahat ng miyembro ng LGBT community.
Ang virtual coronation Mr. Gay World Organization ay idinaos noong Linggo, October 17.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang naggagwapuhang male celebrities na proud gay at bisexual.