What's Hot

Kokoy de Santos at Elijah Canlas, hindi ba nahihiya umarte sa harap ng kanilang pamilya?

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 6, 2020 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

elijah canlas and kokoy de santos on gameboys


“Kung kailangan ma-in-love ako kay Gavreel, tutulungan nila ako doon,” pag-amin ni Elijah Canlas nang mag-shoot sa harap ng kanyang pamilya para sa 'Gameboys.'

Sobrang supportive daw ang pamilya nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas tuwing nagsu-shoot sila ng mga episode ng online boys love (BL) series na Gameboys sa kani-kanilang bahay.

Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Gameboys

Isa sa mga boys love (BL) web series na tinangkilik ngayong quarantine ay ang 'Gameboys' na pinagbidahan nina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan). / Source: theideafirstcompany (IG)

Karamihan kasi ng episode ng Gameboys ay kinukunan mismo nina Kokoy at Elijah sa kani-kanilang mga kuwarto dahil hindi sila pwedeng magsama-sama bilang pagsunod sa community quarantine restrictions.

Ang mga karakter nilang sina Gavreel at Cairo ay naging magkarelasyon, kaya tinanong ng GMANetwork.com sina Kokoy at Elijah kung naiilang ba silang umarte sa harap ng kanilang mga pamilya.

Tanong ni Kokoy kay Elijah, “Ikaw, baby, naiilang ka ba?”

Sagot ni Elijah, “Ako, hindi.”

Patuloy ni Kokoy, “Dapat lang. Ba't maiilang ka?”

Sa pagseseryoso, kinuwento ni Elijah na sobrang supportive ng kanyang pamilya pagdating sa kanyang mga ginagawa at botong-boto ang mga ito kay Kokoy.

Aniya, “Kasi sa amin, very supportive ng families namin and they know that this is our job and they support every bit of it.

“Kung makakatulong sila in any way, they will do it. Kung kailangang ma-in-love talaga ako Gavreel, tutulungan nila ako doon.

“Botong boto sila kay Kokoy.

“Walang ilang at all.”

Katulad ng pamilya ni Elijah, supportado rin si Kokoy ng kanyang mga kapamilya.

Saad niya, “Sa amin wala rin, walang ilang-ilang.

“Ako pa nga mismo nagsasabi na manood kayo dito kasi sila lang 'yung parang halos araw-araw na kami magkausap. Hindi pwede 'yun.”

Dahil sa tagumpay ng Gameboys, magkakaroon ito ng season 2 at pelikula, na The IdeaFirst Company pa rin ang magpo-produce.

Bago 'yan, ipalalabas muna ang spin-off ng Gameboys, ang girls love (GL) web series na Pearl Next Door ngayong October na pinagbibidahan ni Adrianna So.

Elijah Canlas, aminadong nahirapan sa role niya bilang Cairo sa 'Gameboys'

Kokoy de Santos, napa-"baby" nang personal na makita si Elijah Canlas sa set ng 'Gameboys' ()