
Hindi napigilan ni Kokoy de Santos ang kanyang tuwa nang makita niya si Elijah Canlas sa set ng Gameboys, ang isa sa online boys love (BL) series na sumikat ngayong quarantine.
Sa 'Gameboys,' ginagampanan ni Kokoy de Santos si Gavreel samantalang si Elijah Canlas naman ang gamer na si Cairo. / Source: theideafirstcompany (IG)
Sa unang siyam na episode kasi ng Gameboys, online lang nila ginawa ang shoot dahil sa community quarantine restrictions.
“Actually walang awkward moment kasi first time namin magkita talaga is 'yung [COVID] test muna bago magpunta sa set,” kuwento ni Kokoy sa GMANetwork.com.
“Ako personally, siyempre, magsusulat ka muna doon sa attendance, nakita ko na nauna na sa akin si Elijah.
“Ewan ko kung bakit mayroong something sa akin na, 'Shit, nandito siya,' at magkikita na ulit kami ng personal.
“Kasi, nagkita kami last year pa, e, tapos hindi pa kami ganito ka-close.
“So, 'yung nakita ko 'yun, tas nandoon 'yung ibang staff sa baba, 'Oh my God nandito si Elijah? Nandito na siya?'
“Tapos biglang habang nagsusulat ako, lumabas siya sa likod ko.
"Ako mismo, ewan ko ba, para akong naging si Gavreel talaga na, 'Baby? Babbbbby!' tapos sabi ko, 'Oh my God.'”
Babyang tawagan ng mga karakter nina Kokoy at Elijah na sina Gavreel at Cairo sa Gameboys.
“Tapos, pareho kaming naka-mask noon, 'Oh my God' ito na talaga siya.'
“May ganung factor na 'yung halos araw-araw mong kasama sa Zoom, tao pala talaga 'to, ibang pakiramdam, nakaka-excite para doon sa mga ginagampanan naming characters.”
Dagdag ni Elijah, dahil unang beses lang nila makikita nang personal ang production crew, naging emosyonal ang kanilang pagkikita.
Saad niya, “Tsaka emotional din siya lalo na nung nagkita tayo sa testing.”
“'Tapos noong nag-shoot na tayo days after, nandoon na 'yung buong team, konti lang kami, sobrang konti lang kami. Pero ito kasi, lahat nung part ng team, sa Zoom lang namin nakikita.
“Noong shoot hindi kami naghahawakan kaya sobrang emotional niya for me, at least, na parang three months into that time, three months into the process, nagkita-kita tayo personally.
“Wala nang choppy, wala ng nawawalan ng internet.”
Kinuwento rin ni Elijah na nanibago sila bigla sa shooting dahil may mga cameraman na--malayong-malayo sa nakagawian nila sa bahay na sila-sila lang ang nang-aayos ng camera.
Dagdag niya, “'Tapos weird pa kasi, 'di ba, that time mayroon nang nag-o-operate ng camera for us--na hindi na tayo 'yung nag-aayos, kailangan na lang namin ayusin 'yung sarili natin, 'yung acting.”
“'Tapos, wala lang, nati-trigger kami ni Kokoy minsan na, 'Kailangan niyo po ng tulong? Kami na gagawa.' Kasi nasanay kami.”
Tapos na ang season 1 ng Gameboys pero magkakaroon ito ng season 2 at pelikula.
Mapapanood narin ngayong October ang spin-off series ng Gameboys na Pearl Next Door na pinagbibidahan ni Adrianna So.
Elijah Canlas, aminadong nahirapan sa role niya bilang Cairo sa 'Gameboys'
Adrianna So, inamin na on- and off-cam ang closeness nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas