GMA Logo Kokoy de Santos
What's on TV

Kokoy de Santos on his 'Pepito Manaloto' journey: "Teka, naiiyak ako."

By Aedrianne Acar
Published March 15, 2022 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Hungary just elected a hot new Prime Minister: Who is Peter Magyar? 
Singco Mano releases 'Manong ('Wag Po)'; featured on Spotify's New Music Friday PH

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos


Kokoy de Santos on his 'Pepito Manaloto' journey: “Teka, naiiyak ako.”

Palabiro man, ramdam ang lungkot sa Sparkle actor na si Kokoy de Santos nang tanungin ito tungkol sa season finale ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Napanood sa high-rating prequel ang guwapong binata bilang young Patrick na ginampanan ng Kapuso comedian na si John Feir.

Pag-amin ni Kokoy sa GMANetwork.com, “Actually, hindi medyo e, na-senti na ako noong nakaraan.”

Pagpapatuloy niya, “Unang-una sa lahat, 'yung samahan namin sa Pepito iba e, iba.

“Sa lahat ng mga nagawa kong projects magkakaiba 'yan e. Pero iba rin 'tong Pepito, dahil hindi kami lock-in, so kumbaga para kaming nasa set up na parang hindi pandemic, so alam mo 'yun ang kaibahan kasi pagka lock-in iba rin 'yung sepanx e.

“Tagal n'yo magkakasama, halimbawa isang buwan, tapos pag nag-alisan kayo 'yun na. Kasi ito parang isang buong taon ata kami nagkikita ganyan, tapos may mga ganap kami lagi everytime na wala namang taping, may mga get together as long as safe.”

Alam din ni Kokoy na malaki ang pressure sa kanya na magampanan nang maayos ang isa sa iconic characters sa Pepito Manaloto.

Aniya, “'Yung pagganap ko bilang Patrick, natakot talaga ako noong una kasi alam naman natin very iconic 'tong si Patrick sa 'Pepito Manaloto' at para ipagkatiwala sa akin ng GMA 'yung role nakakakaba talaga 'yun. Nakaka-pressure 'yun, pero nagtiwala lang ako sa mga kasama ko, nagtiwala lang ako sa sarili ko. Kasi kailangan 'yun na hindi ka nag-aalinlangan sa mga gagawin mo, kumbaga dive ka lang ng dive.

“'Yun 'yung kumbaga challenge palagi sa mga actor na kagaya ko- dive ka lang doon. Kumbaga kalimutan mo lahat ng iniisip mo at 'yun sobrang na-enjoy ko 'yung roller coaster ride nga. Hindi lang 'yung emosyon pati rin mismong experience ko,”

Isinalarawan pa ng Kapuso actor na malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

“At habang buhay ko na babaunin 'tong Pepito Manaloto na 'to sa journey ko, hindi lang sa industriya na 'to, kundi sa habang buhay.”

Tutukan ang mga exciting na mangyayari sa Pepito Manaloto sa darating na Sabado ng gabi, March 19, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!

Balikan ang bonding moments ng cast sa kanilang taping sa gallery below.

Related content:

LOOK: Hottest photos of Kokoy de Santos, the young Patrick in 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

Kokoy de Santos is the newest talent of Sparkle GMA Artist Center