GMA Logo Kim Hyun-joong
What's on TV

Korean heartthrob Kim Hyun-joong, bakit nga ba gustong magpunta sa Bohol?

By Aimee Anoc
Published April 28, 2023 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Hyun-joong


Ano nga ba ang pinaka nagustuhan ng Korean actor na si Kim Hyun-joong sa Pilipinas?

Sa exclusive interview sa programang Fast Talk with Boy Abunda, masayang ibinahagi ng Boys Over Flowers actor na si Kim Hyun-joong ang isa sa mga pinaka nagustuhan niya sa Pilipinas.

Dahil nahihilig sa diving, isa raw sa pinakagusto ng Korean actor sa bansa ay ang karagatan nito. Nais din ng aktor na magpunta sa Bohol.

"Gustong-gusto ko pong mag-dive, maganda po ang mga dagat dito kaya gusto ko po Bohol," sabi ni Hyun-joong, base sa interpreter na si Sandra.

Photo by: hyunjoong860606

Humahanga rin ang aktor sa suportang ibinibigay ng Filipino fans sa Korean entertainment tulad na lamang ng suportang natanggap ng well-loved series niyang Boys Over Flowers na sumikat din sa bansa.

"As one of the [Korean] artists siyempre, parang napansin [ko] po... sobrang lakas po ng energy ng mga Filipino. And in the near future, malapit na rin pong magkakaroon ng Philippine wave kasi ang ganda ng energy ng mga Filipino," sabi niya.

Ibinahagi rin ni Hyun-joong ang nakita niyang ilang pagkakatulad ng mga Filipino at Korean.

"Kasi sa Korea sobrang daming mga karaoke kasi mahilig kumanta, and mga billiard, mayroon din po rito. Maraming energy rin po ang mga tao [sa Korea], masayahin. Pero, 'yung mga Filipino napansin [ko] po masayahin din po ang mga tao rito."

Dumating sa bansa ang aktor noong Huwebes ng umaga, April 27, kung saan kuwento niya ay nagulat siya dahil may mga Filipino fans nang nag-aabang sa pagdating niya.

"Nagulat ako kasi may mga Filipino fans nandoon sa airport. Maraming salamat po sa mga support na ibinigay ninyo. Mayroon po akong concert sa MetroTent Pasig po, 7:00 p.m. Sana ma-enjoy niyo po 'yung concert," mensahe ng aktor.

Ngayong araw (April 28), magkakaroon ng concert ang aktor na parte ng kanyang "The End of a Dream" world tour, na magaganap sa MetroTent, Pasig.

Si Kim Hyun-joong ay isang South Korean actor, singer, at songwriter. Ilan sa tumatak na drama ng aktor ay ang Boys Over Flowers, Playful Kiss, at Inspiring Generation.

Panoorin ang buong interview ni Kim Hyun-joong sa Fast Talk with Boy Abunda rito:

MAS KILALANIN SI KIM HYUN-JOONG SA GALLERY NA ITO: