GMA Logo kris aquino and willie revillame
What's Hot

Kris Aquino, thankful at buo ang suporta kay Willie Revillame

By Racquel Quieta
Published August 8, 2021 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

kris aquino and willie revillame


Lubos ang pasasalamat ni Kris Aquino kay 'Wowowin' host Willie Revillame para sa kanyang TV comeback. Basahin ang kanyang pahayag DITO:

Sa katatapos lamang na Shopee 8.8 Mega Flash Sale TV Special, pinasalamatan ng aktres at TV host na si Kris Aquino ang Wowowin host na si Willie Revillame para sa kanyang TV comeback.

Matapos ang limang taon, ngayon lang muling napanood sa telebisyon si Kris. At ayon sa kanya, si Willie talaga ang naging instrumento para sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Sina Willie Revillame at Kris Aquino sa kanyang TV comeback sa GMA-7 / Source: Shopee/GMA-7

Kaya naman ngayong naganap na rin ang pinakahihintay na TV comeback ni Kris, lubos siyang nagpapasalamat kay Willie at sinabing buo ang suporta niya para sa Kapuso TV host.

"I would just like to thank you if I remember correctly way back in 2018--sana bigyan niyo naman [siya] ng shot--si Willie talaga was really trying to find a way to get me to co-host with him way before Shopee came into our lives, before anything else happened he really gave me a chance to come back.

"So, kung ano man ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saan man siya pupunta, he can count on me to be there for him, kung saan man 'yun he has my love, my support.”

Balikan ang sweet moment na isinama ni Willie Revillame ang anak ni Kris Aquino na si Josh sakay ang kanyang Ferrari.