
Ngayong December 25 sa Tadhana, ulilang lubos na ang magkakapatid na sina Marissa (Kris Bernal), Maricar (Kim Rodriguez) at Mariel (Joyce Ching). Sapat lang ang kinikita ng kanilang ihawan para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Kaya naman nang masunog ang kanilang bahay at magkasakit si Mariel, isang desisyon ang gagawin ni Marissa para sa kanyang mga kapatid.
Pero ang solusyon sana sa kanilang problema, naging ugat pa para masira ang relasyon nilang tatlo! Muli pa nga bang mabubuo ang magkakapatid na pilit pinaghihiwalay ng sitwasyon?
Ngayong Pasko, abangan ang natatanging pagganap nina Kris Bernal, Kim Rodriguez, at Joyce Ching. Kasama rin sina Biboy Ramirez, Gilleth Sandico, at Anton Amoncio.
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: TRES MARIAS ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7! #TadhanaTresMarias