
Ang isa sa House of Lies lead stars na si Kris Bernal ang pinakabagong hostmate sa GMA morning show na Unang Hirit.
Related gallery: On the set of House of Lies
Nagluto si Kris sa UH kitchen at nakipagkwentuhan sa UH Barkada tungkol sa kanyang role sa House of Lies na si Thea.
Ayon sa Kapuso actress, marami ang talaga namang naiinis sa karakter niya na si Thea na main kontrabida sa intense drama series.
Pahayag niya tungkol sa pagtanggap ng viewers sa kanyang role, “Sa mga comment, talagang galit na galit sila sa akin…”
“Feeling ko may ginagawa akong tama na ah naiinis kayo sa akin ah, gagalingan ko para mas lalo kayong mainis sa akin [Thea],” dagdag niya.
Si Thea ang asawa ni Edward na role naman ng Kapuso actor na si Martin Del Rosario.
Siya rin ang mistress ni Paolo (Mike Tan) na asawa naman ni Marj (Beauty Gonzalez).
Sina Thea at Paolo ang mga tunay na magulang ni Ashley, ang role ng young Sparkle star na si Angel Cadao sa serye.
Samantala, huwag palampasin ang huling mga tagpo sa nalalapit na pagtatapos ng House of Lies.
Mapapanood ito mula ngayong Martes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
WATCH: Kris Bernal's Unang Hirit replay video featuring Kris Bernal: