
Isa si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa mga hinahangaang Kapuso singer ni Sparkle actor Kristoffer Martin.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kristoffer na kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang maka-collaborate sa isang single si Garrett.
"Kababayan ko kasi siya sa Olongapo. Noong narinig ko 'yung boses niya parang ang sarap ka-collab. Kapag ako bibigyan ng chance, siya 'yung gusto ko. At saka comfortable ako kasama siya, comfortable akong kausap siya. Baka kung magko-collab kami, hindi kami magka-clash," kuwento ng aktor.
Kamakailan lamang nang gampanan ni Garrett ang papel ni John Thomas para sa Guam tour ng sikat na stage musical na Miss Saigon.
Samantala, abala ngayon si Kristoffer para sa pinakabagong single under GMA Music, ang "'Di ba?" na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms sa Biyernes, September 30.
Ayon kay Kristoffer, ang "'Di ba?" ay kuwento ng isang tao na umaasang babalik pa ang minamahal. Ito ay isinulat ni Nicholai Ramil Basilonia.
"Kuwento siya ng isang tao na akala niya nasa cool off stage lang sila-- hoping pa siya na magkakaayos pa sila, na babalik ka pa, na kailangan lang natin ng pahinga. Ito po 'yung pinakapuso ng kanta. Longing siya, hoping na sana babalik ka pa," paliwanag ni Kristoffer.
MAS KILALANIN SI KAPUSO SOUL BALLADEER GARRETT BOLDEN DITO: