
Ano ba ang qualities na taglay ng isang tao na ang zodiac sign ay Scorpio?
Ito ang ibinahagi ng versatile actor na si Kristoffer Martin sa exclusive interview niya sa GMA Entertainment Group (EG).
Naikuwento ng former Tween Hearts star ang ilan sa best at worst qualities na tulad niya na ang zodiac sign ay Scorpio.
Paglalahad ni Kristoffer, “Mapagmahal.. What I realy see in myself.
“Grabe magtanim ng galit, as long as kaya ko na intindihin kaya. Pero, pag sa sumabog, sobra.
“'Yun 'yung pinakapangit na trait ko na hangga't kaya kong tiisin, tiisin. Pero, huwag mo lang dagdagan nang dagdagan kasi once na sumabog, sasabog talaga.”
Hindi din nagpatumpik-tumpik si Tun-Tun na umamin sa pinaka-ayaw niya na ugali sa isang tao.
Paliwanag niya, “Ayoko lang sa plastik!
“Someone who talks about me, behind my back, that's one thing na number one talaga rule ko na ayaw ko.
“Lalo na 'pag hindi accurate 'yung sinasabi na gusto lang niya manira, that's it.
“Okey lang sa akin 'yung naiintidihan ko kasi 'yung mga taong they have their own personality, but when it comes to someone na gustong siraan 'yung isang tao, 'yun 'yung big no-no, lalo na pag ginagawa sa akin.”
Nang mapag-usapan naman ang experience niya doing his new soap Babawiin Ko Ang Lahat, nabanggit ni Kristoffer Martin na sinigurado niya na maging source siya ng positive energy ng buong team.
Bagama't likas sa kanya ang pagiging comedian, sinigurado niya na mananatili ang professionalism niya sa tuwing sasabak sa taping.
Wika niya, “They know that, dito sa cast ng BKAL (Babawiin Ko Ang Lahat) even to the staff, to the crew as much as possible as long as kaya ko maging light, kaya ko maging light.
“Seryoso ako sa trabaho, pero sa likod ng camera, sobrang ayoko kasi nagbibigay ng negative energy to people.”
Nang tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas noong Marso 2020 at nagsimula na mag-lock down ang bansa para mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit, ilan sa pinagkaabalahan ni Kristoffer ang pag-livestream ng mobiles games.
Aniya, isa ito sa ginagawa niya on a typical day para maka-interact ang kanyang fans at kaibigan.
“Before this taping, usually nagwo-workout talaga ako. Bumili ako ng mga equipment and I do streaming mobiles games, para [may ginagawa] noong pandemic before, para in a way I can interact with my friends [and] fans also.
“Kumbaga 'yun 'yung nakita kong area I can really connect with the people, with the audience, with the fans. So, 'yun 'yung ginagawa ko before.”
Naging open din si Kristoffer Martin tungkol sa pribadong buhay ng kanyang pamilya.
Aminado ang Kapuso actor na siya 'yung “pinaka-showy” sa family nila at sinisigurado na may bonding moment sila.
“Sa aming apat, ako 'yung pinaka-showy, my mom, my dapat [and] even my brother hindi. Ako kasi 'yung talagang, 'Tara, labas tayo. Tara punta tayo sa restaurant kain tayo. We need this.'
“'Pag galing akong trabaho o taping, I want to make sure na 'yung bond namin nandoon pa rin every time. So, tinaggap ko na ''yung role na 'yun, masaya naman ako sa kinakalabasan ng ginagawa ko.
“Because naba-bond talaga kami like 'I want to go here, I want to go there,' game naman sila. Kasi, if hindi ko gagawin 'yun walang mangyayaring ganun.”
Paano ang naging bonding ni Kristoffer kasama ang kanyang co-stars sa lock-in taping nila sa Batangas para sa Babawiin Ko Ang Lahat?
Tignan sa gallery below!
Related content:
GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'
Tanya Garcia, sa dating on-screen partner na si Dingdong Dantes, "Magiging crush mo rin, e."
EXCLUSIVE: Tanya Garcia-Lapid, may plano nga bang talikuran ang showbiz for good?