GMA Logo Kristoffer Martin
Source: kristoffermartin_ (IG)
What's Hot

Kristoffer Martin sa mga bagong artista: 'Be patient, be thankful'

By Kristian Eric Javier
Published April 5, 2024 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Ano pa kaya ang ibang payo ni Kristoffer Martin sa mga bagong artista?

“Maging patient lang po.”

Iyan ang isa sa life lessons ng Makiling star na si Kristoffer Martin na gusto niyang ibahagi sa mga bagong artista at mga nangangarap makapasok sa mundo ng showbiz

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ni Kristoffer na may mga pagkakataon ding naging atat siyang makakuha ng projects, gaya ng nakikita niya sa bagong artists ngayon.

Pag-alala ng aktor, “Kasi dumaan din ako doon sa atat na parang 'Bakit parang hanggang dito lang ako? Parang walang nangyayari sa career ko?'”

Aminado siyang mahirap para sa mga batang aktor na labanan ang pagiging atat o excited na makakuha ng bagong proyekto kaya naman importante na may patience ang isang aspiring actor.

“Be patient lang. Hintayin mo, darating 'yung time para sa 'yo. As long as mahal mo 'yung trabaho mo,” sabi niya.

BALIKAN ANG CAREER ACCOMPLISHMENTS NI KRISTOFFER SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni Kristoffer, “At saka appreciate mo lang kung ano 'yung meron sa 'yo at kung ano 'yung ginagawa mo ngayon. Appreciate 'yung mga taong nasa paligid mo.”

Nagbigay pa ng huling paalala ang singer-actor sa mga nagsisimula pa lang sa industriya, “Maging thankful ka, maging thankful ka kasi nandito ka sa industriya natin kasi hindi lahat nakakapasok.”

Sa parehong interview, ikinuwento rin ni Kristoffer na nagsimula ang career niya sa showbiz nang pilitin siya ng mommy niya na mag-audition para sa isang singing contest. Ayon sa aktor, nasiraan lang sila ng sasakyan noon sa tapat ng mall kung saan nagaganap ang audition.

Pag-alala niya, “Naglalaro lang po kami ng kapatid ko sa taas tapos sabi ng mommy ko, 'Mag-audition ka dito.' 'Ha, bakit ako mag-a-audition? Ano ba 'yan?' 'Singing contest.' 'Hindi naman ako marunong kumanta.'”

Sa huli ay nakapasok siya sa contest at kahit natalo siya sa ikatlong linggo, iyon naman ang naging mitsa ng kanyang karera bilang isang aktor.

Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer dito: