
Puno ng pasasalamat si Kuya Kim Atienza dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa TiktoClock.
Ang bagong variety show nina Kuya Kim, Pokwang, at Rabiya Mateo ay nagsimula nitong July 25.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Nitong July 25 ay umani ng 4.2 percent rating ang episode ng TiktoClock ayon sa NUTAM People Ratings.
Dahil sa magandang pagtanggap ng pilot episode ng TiktoClock, puno ng pasasalamat ang host nitong si Kuya Kim.
Ani Kuya Kim, "Salamat Lord! To God be the glory! This is your show!”
Dagdag pa ng Kapuso host, "Samahan niyo kami araw araw 11:15 a.m. sa @tiktoclockgma bago mag @eatbulaga1979 HAPPY TIME NA!"
Nitong July 26, panalo pa rin sa ratings ang TiktoClock dahil umani ito 3.9 percent rating.
Abangan ang iba pang masasayang episodes ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network, at online sa TiktoClock Facebook page at GMA Network YouTube Channel.
NARITO ANG MGA PHOTOS NG TIKTOCLOCK HOSTS NA SINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA: