GMA Logo Kuya Kim Atienza
What's Hot

Kuya Kim remembers his politics days with a throwback photo

By Jimboy Napoles
Published October 21, 2021 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Inalala ni Kuya Kim ang kaniyang pagiging konsehal ng Maynila noon nang makita ang larawan ng kaniyang 1999 calendar poster.

Masaya ngayon ang bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa tinatakbo ng kaniyang karera. Ilang linggo lang matapos ang kaniyang paglipat sa GMA Network ay nagsimula na agad ang kaniyang mga live reporting, guesting, at taping sa mga programang kaniyang kinabibilangan gaya ng 24 Oras, Mars Pa More, at Dapat Alam Mo! sa GTV.

Pero bago pa man daw maging isang TV personality si Kuya Kim, una muna siyang naging konsehal ng ikalimang distrito ng Maynila, bagay na mas napatunayan pa ng isang throwback photo na kaniyang ipinost ngayong Huwebes (October 21), sa kaniyang Instagram account.

Makikita sa kaniyang post ang isang calendar poster kung saan naka-print ang kaniyang larawan na may nakasulat na "Maaasahan! Kim Atienza Councilor 5th District, Manila."

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Caption pa ni Kuya Kim, "#throwbackthursday 1999, as City Councilor of Manila. (Photo was by the late @raymundisaac )'The old is gone and the new one has come,' 2Cor 5:17."

Kwento pa ng Dapat Alam Mo! host, marami raw siyang natutunan sa halos labindalawang taon niya na pagseserbisyo sa publiko bilang isang pulitiko na nagagamit niya rin ngayon sa kaniyang trabaho sa broadcasting.

"A friend sent me this poster of me as a politico. (Mukha lang akong mabait diyan pero di ako mabait.) I Iook back at those 12 years in politics as learning years. I learned People skills I was able to use in my almost 2 decades in Broadcasting. (A lot of other things, I had to unlearn.)"

"Thank you Lord for the gift of TV. The lines have fallen for me in such pleasant places. TV is my passion. TV is my life." dagdag pa niya.

Samantala, mas kilalanin pa si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: