GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Kylie Padilla at Andrea Torres, nagpakilig sa teaser ng 'BetCin'

By Aimee Anoc
Published August 6, 2021 3:17 PM PHT
Updated August 6, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


Narito ang pasilip sa teaser trailer ng bagong proyekto nina Kylie Padilla at Andrea Torres.

Inilabas kahapon, August 5, ang teaser ng bagong proyekto nina Kylie Padilla at Andrea Torres na BetCin.

Ibinahagi rin ni Kylie sa Instagram ang screenshots mula sa teaser ng BetCin kung saan makikita ang sweet moments nila ni Andrea. Gagampanan ni Kylie ang karakter ni Beth habang si Andrea ay gaganap bilang Cindy.

Sa loob ng isang minuto, ipinakita sa teaser kung ano ang namamagitan kina Beth at Cindy. Ipinakita rin ang nakakakilig na mga sandali nina Cindy at Beth tulad na lamang ng kanilang matatamis na titigan.

Sa naturang teaser, parehong nakasuot pangkasal ang dalawa.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Sa pagtatapos ng teaser, makikitang naglakad ang dalawa palayo sa isa't isa pero napatigil at parehong tumingin pabalik.

May kasalan kayang magaganap kina Beth at Cindy? Totoo kaya ang lahat ng ito o isa lamang pagpapanggap?

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: