What's on TV

Kylie Padilla at Miguel Tanfelix, proud sa kanilang stunts sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published May 20, 2026 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE – Senate plenary session (May 20, 2026) | GMA News
Napariwarang ina, gustong bumawi sa pinabayaang pamilya | Barangay Love Stories
SC denies TRO on service of ICC warrant vs Sen. dela Rosa

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Miguel Tanfelix


Proud sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix sa stunts nila sa upcoming series na 'Taskforce Firewall.'

Excited na sina Kapuso stars Kylie Padilla at Miguel Tanfelix para sa kanilang upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Si Kylie ay si Isa, mahusay na strategist at lider ng task force. Gaganap naman si Miguel bilang Galo. retired na sundalo at combat specialist ng grupo.

Isa sa pinakamalalaking eksena ng serye ang pagra-rappel ng kanilang mga karakter sa gilid ng isang building.

Very proud sina Kylie at Miguel na nagawa nila ito nang walang stunt doubles.

"'Yung mga harness stunts, matagal ko nang ginagawa, bata pa lang ako. But iba kasi 'yung bababa ka mula 15th floor, 17? Iba 'yung kaba noon. Nakakatakot talaga. Hindi siya birong stunt. Although, dinouble check naman 'yung safety namin," kuwento ni Kylie tungkol sa experience.

"Nakakatakot pero 'yun nga, mas madali siyang gawin 'pag may kasama. Na-enjoy ko rin naman. Kami ni Kylie, gagawin naman namin lahat kahit mahirap, para sa show 'di ba?" dagdag ni Miguel.

Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN ANG ILANG EXCITING NA MGA DETALYE MULA SA UNANG TEASER NG TASKFORCE FIREWALL DITO:

Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.