
Proud si Kylie Padilla sa stunts na ginawa niya para sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Kabilang dito ang pag-rappel niya mula sa gilid ng isang building kasama ang co-star na si Miguel Tanfelix.
"Since gusto nating pagandahin 'yung show, gagawin namin. Hindi kami nagdalawang isip ni Kylie. Rapelling training bukas? Game," pahayag ni Miguel tungkol sa experience.
"Ikaw, hindi ka nagdalawang-isip. Ako, nagdalawang-isip ako. May dalawa 'kong anak na naghihintay sa bahay," sagot sa kanya ni Kylie.
Aminado ang aktres na may mga nabago na sa kanyang priorities simula noong naging isang ina.
"Nabawasan na nga 'yung pagiging daredevil ko. Dati, noong bata ako, noong wala pa 'kong anak, gusto ko 'yan. Pero noong nagkaanak na 'ko, binawasan ko na," kuwento niya.
Tila naman daw bumalik ang pagiging adrenaline junkie niya dahil sa Taskforce Firewall.
"But then noong na-experience ko na 'yung parang lumilipad na feeling it, was worth it. It was worth all the fear and kaba. Worth it talaga. Saka worth it para mapaganda 'yung show namin," paliwanag ni Kylie.
Ganito raw ang mga hamon na guysto niya bilang isang aktres.
"On my part naman, 'yun ang pinakagusto ko sa trabaho ko. Bilang artista, nakakapasok ako sa buhay na hindi ko buhay, nagagawa ko 'yung mga hindi ko talaga nagagawa," aniya.
Ang Taskforce Firewall ay tungkol isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Bukod kina Miguel at Kylie, bahagi rin ng serye sina Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar, at marami pang iba.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO: