
Isang magandang samahan ang nabuo sa likod at harap ng camera sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Ayon 'yan sa isa sa lead stars nitong si Kapuso actress Kylie Padilla.
Naging emosyonal si Kylie nang ikuwento ang isa sa mga pag-uusap nila kamakailan.
Hindi daw kasi niya inasahan ang pagtingala sa kanya ng mga mas nakababatang co-stars.
"Last, last taping lang we were talking about our growth as individuals spiritually. And then shinare lang nila that they look up to me. Minsan nakakalimutan ko that I have that impact on young women," pahayag ni Kylie.
Nagsilbi daw itong paalala na bigyan niya ng appreciation at credit ang sarili.
"Tinignan ko 'yung sarili ko sa salamin and then I'm like, 'Oo nga no. I'm doing really good.' I'm a single mom. I'm working really hard. Tinake ko na 'yung chance to pat myself on the back and say, 'Hindi ko kailangan ng relasyon to be happy. I'm whole on my own," lahad niya tungkol sa kanyang realization.
"Oo nga, sige na nga, I'll take that complement and absorb it with all my heart kasi I think I deserve naman to clap for myself. Thirty three [years old] na 'ko pero ngayon ko lang na-appreciate na finally yes, I'm doing a great job and I'm happy," dagdag ni Kylie.
Image Source: gmanetwork (Instagram)
Ang Taskforce Firewall ay tungkol isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Bukod kay Kylie, bahagi rin ng serye sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar at marami pang iba.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO:
Panoorin din ang buong panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.