
Happier at mas content na ngayon si Kylie Padilla sa piling ng kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Dahil mayroong mabigat na pinagdaanan, mas na-appreciate nga raw ng aktres ang trabaho ngayon at ang muling pagtanggap sa kanya ng GMA. Kasalukuyang napapanood si Kylie sa bagong GMA Telebabad series na Bolera, na comeback TV series niya matapos manganak sa second baby niyang si Axl Romeo noong December 2019.
"Na-a-appreciate ko talaga yung work ngayon kasi dumating yung time na akala ko 'di na ko makakabalik so it's not like before na pagod ako, pagod na ko, ayoko na mag-work. Ngayon hindi, laban pa rin.
"I'm still game. I really want to do my best talaga saka every aspect ng show na 'to, gusto ko kasama ako kasi gusto ko talaga yung ma-present namin sa mga tao maganda," bahagi ni Kylie sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa isang product launch event kamakailan.
Hindi naging madali para kay Kylie ang mga nagdaang taon. Matapos ang mahigit isang taon mula noong isilang ni Kylie ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica, umugong ang balitang hiwalayan ng dalawa nang aminin ito ng ama ng aktres na si Robin Padilla.
Ayon kay Kylie, back to zero siya matapos silang mag-break ng aktor. Matatandaang December 2018 sila ikinasal ni Aljur matapos ang kanilang on-and-off relationship.
Bahagi ni Kylie, "Nawalan din ako ng self-esteem, lahat. Nawasak lahat so I have to build from ground up while raising two kids. Ay, hindi madali yun, oh my gosh."
Marami raw natutunan si Kylie mula sa mapait na karanasan at nang dumating ang kanyang second child na kailangan niyang palakihin sa kasagsagan ng pandemya.
"Hindi ka pwedeng maging careless sa mga desisyon, siyempre, it's a blessing of course but since nag-pandemic, naging aware na tayo sa reality na we need to take care of our health, ganyan. We need work, 'di ba, so parang sabi ko sa sarili ko be more responsible sa mga decisions. Kailangan pinagiisipan, hindi lang puro emosyon."
Mas naging mature si Kylie at mas may purpose na nga raw ang kanyang pagtatrabaho ngayon.
"Ang saya ko kasi, for the longest time, ito yung dream ko na I'm a working mom and nagagawa ko na s'ya nang maayos. Hindi na 'ko 'yung I'm just too sad about what happened. Ngayon, hindi na. I'm so excited na for the future.
"Excited akong magtrabaho kasi excited ako do'n sa kita ko kasi magta-travel na kami, yun na yung nasa isip ko. And naaalagaan ko na yung everyone around me, mga yaya ko, yung driver ko, everyone, naaalaganan ko na sila 'cause I'm working."
Dugtong pa ng aktres, "Ngayon may purpose na and I'm just waiting for the bigger purpose syempre nagbi-build pa ko, na-gstart ako from zero ulit e."
Bagamat inaming dating na siya ngayon, alam na raw ni Kylie ang kanyang mga limitasyon
Aniya, "May mga nagpaparamdam nga, mga dating ganyan. Hindi na gano'n tulad ng dati na ma-i-inlove ka 'tapos mababaliw ka na parang s'ya lang yung mundo mo, hindi na s'ya ganon and for the longest time gano'n ako.
"Ngayon may sense of worth na 'ko, na I have my own life. Do you fit into my life? Hindi yung do I fit into your life? Iba na s'ya. Dati kasi ako mag-a-adjust, ngayon hindi na. Kayo mag-adjust sa 'kin."
Diin pa niya, "Talagang number one na yung mga bata and yung sarili ko."
Naging masalimuot man ang naging hiwalayan nina Kylie at Aljur noon dahil sa isyung third party, masayang ibinahagi ng aktres na on good terms na sila ngayon ng dating mister sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa podcast nitong Updated.
At peace na talaga ang puso ni Kylie lalo na sa piling ng kanyang two kids. Tingnan ang kanilang tender moments sa gallery na ito: