What's on TV

Kylie Padilla, ipinakilala ang kanyang karakter sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published May 20, 2026 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE – Senate plenary session (May 20, 2026) | GMA News
Napariwarang ina, gustong bumawi sa pinabayaang pamilya | Barangay Love Stories
SC denies TRO on service of ICC warrant vs Sen. dela Rosa

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Ipinakilala ni Kylie Padilla ang karakter niya sa upcoming series na 'Taskforce Firewall.'

Malapit nang mapanood ang upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Looking forward na ang isa sa lead stars nitong si Kapuso actress Kylie Padilla na makilala ang kanyang karakter sa serye.

Gaganap siya dito bilang Isa, isang mahusay na strategist at lider ng task force.

"Ang goal ni Isa is mahanap kung sino 'yung pumatay sa nanay niya kasi her mom was murdered on a mission," paliwanag ni Kylie tungkol sa kanyang karakter.

Dadaan din daw ang kanyang karakter sa iba't ibang mga hamon bilang babae sa male-dominated field ng law enforcement.

"Even though china-challenge siya ng mga lalaki sa paligid niya, no, she's sticking to her mission," lahad ni Kylie.

Ipinagmamalaki din ni Kylie na sumabak siya sa ilang stunts para sa serye. Isa na dito ang pag-rappel niya mula sa isang building.

"'Yung mga harness stunts, matagal ko nang ginagawa, bata pa lang ako. But iba kasi 'yung bababa ka mula 15th floor, 17? Iba 'yung kaba noon. Nakakatakot talaga. Hindi siya birong stunt. Although, dinouble check naman 'yung safety namin," kuwento niya tungkol sa experience.


Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO:



Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.