GMA Logo Andrea Torres, Kylie Padilla
Celebrity Life

Kylie Padilla, ipinasilip ang 'kasal' nila ni Andrea Torres sa bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published August 5, 2021 9:56 AM PHT
Updated August 6, 2021 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres, Kylie Padilla


May magaganap kayang kasalan kina Beth at Cindy?

Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ni Kylie Padilla ang ilan sa mga eksena nila ni Andrea Torres sa BetCin kung saan gaganap si Kylie bilang si Beth at Cindy naman si Andrea.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Makikitang nakasuot ng wedding gown si Andrea at suit naman si Kylie na kapwa nakatingin sa isa't isa. Sa huling larawan, yakap-yakap na nila Kylie at Andrea ang bawat isa.

Hindi naman napigilang mag-iwan ng komento ni Andrea sa post na ito ni Kylie at sinabing, "Babe ba't ganon?"

Agad naman itong sinagot ni Kylie, "GRABE, babe."

Sa inilabas na trailer, mapapansin na parehong nakasuot ng singsing ang dalawa habang magkahawak ng kamay. Sa pagtatapos, kapwa tinalikuran nila Kylie at Andrea ang isa't isa habang tumingin naman pabalik si Andrea.

Sa behind-the-scenes, ipinakita ang kulitan at tawanan nina Kylie at Andrea sa set.

"Oh my God, bakit ako kinikilig?" reaksiyon ni Kylie habang pinapanood ang mga eksena nila ni Andrea.

Hindi naman napigilang tumawa ng lahat sa sinabing ito ni Kylie. Maging si Andrea ay natawa rin sa reaksiyon ni Kylie.

"Gusto ko nang halikan eh!" dagdag pa ni Kylie, na ikinagulat naman ng lahat.

Excited na ba kayong mapanood sina Beth at Cindy? Abangan ang bagong proyekto nina Kylie Padilla at Andrea Torres!

Samantala, tignan dito ang ilang "femme shots" ni Kylie: