What's on TV

Kylie Padilla, masaya sa magandang feedback sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published June 15, 2026 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express: June 15, 2026 [HD]
Search continues for missing hiker in Mt. Kalatungan
MrBeast hits 500M subscribers on YouTube

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Ikinatutuwa ni Kylie Padilla ang magagandang feedback na natatanggap ng 'Taskforce Firewall.'

Patuloy ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Ayon sa isa sa lead stars na si Kapuso actress Kylie Padilla, lagi nilang napag-uusapan ng cast ang magandang feedback na natatanggap ng show.

Source: kylienicolepadilla (IG)

"Sobrang saya namin. Every episode, nag-uusap kami doon and we congratulate each other kasi kita ko 'yung hardwork ng lahat," bahagi ng aktres.

Ipinagmamalaki rin daw niya ang magandang collaboration ng cast, staff, at production team ng serye.

"Kita ko 'yung pagod ng lahat so para makita namin na nag-reflect siya sa ratings and sa reaction ng mga tao, sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso," kuwento ni Kylie.

Excited naman daw siyang mas makilala pa ng mga manonood ang character.

Gumaganap siya sa serye bilang Isa, law enforcement agent at leader ng cybercrime division.

"Ibang Kylie 'yung makikita nila. Siyempre, it's a different character pero talagang trinabaho ko 'yun-- kung pano siya magsalita, kung pano siya kumilos. Happy ako na napapansin ng mga tao 'yun," lahad niya.

Patuloy na tumutok sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.