
Halos dalawang buwang nakasama ni Kylie Padilla sa lock-in taping ng Bolera ang leading men niyang sina Rayver Cruz at Jak Roberto.
Sa naganap na "A-May-Zing Funcon" ng GMA Pinoy TV, ikinuwento ni Kylie ang mga nadiskubre at natutunan niya sa co-stars.
Ayon kay Kylie, sa Bolera niya nadiskubre na mahusay sa heavy drama si Rayver.
"Ang na-discover ko kay Rayver napakagaling n'ya palang mag-drama. Kasi 'yung pelikula na ginawa namin hindi naman s'ya masyadong heavy, horror 'yun 'e. 'Di ko s'ya nakaeksena sa mga ganoon. Dito ang bigat ng mga eksena namin. Ang galing niya kahit maraming distractions, wala pokus talaga siya," sabi ni Kylie.
Dagdag niya, "And the same thing, natuto rin ako na dapat ganoon din ako pagdating sa mga eksena ko na dapat pokus din ako. I'm very lucky. Sinasabi nila na blessed sila na naging leading lady nila ako, 'no mas blessed ako sa inyo kasi ang gagaling n'yo.' Natuto ako kung paanong mas galingan pa sa trabaho ko."
Ang isa naman sa napansin ni Kylie kay Jak ay ang pagiging "devoted nito sa trabaho."
Aniya, "Kapag siya 'yung kaeksena ko hindi puwede sa kanya na 'puwede na 'yan.' Kailangan maganda talaga 'yung eksena so nadadala ako sa kanya.
"Kung magte-take two kami, binibigay n'ya 'yung one hundred percent niya, ganoon din ako. And gusto ko 'yun sa mga katrabaho ko kasi nadadala ako, e, mas ginagalingan ko pa. Iyon 'yung nagustuhan ko kay Jak."
Patuloy na subaybayan sina Kylie, Rayver, at Jak sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: