
Hindi pa rin makapaniwala si Kylie Padilla sa pagkakataon na nakasama at nakalaro niya sa Bolera ang billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Chua.
Noong Martes, August 16, humataw sa ratings ang espesyal na partisipasyon ng Pinoy billiards legends sa Bolera kung saan pumalo ito sa 12.7 percent base sa tala ng Nielsen Philippines.
Sa TikTok live ng Bolera na naganap kahapon, August 17, ikinuwento ni Kylie ang unang pagkakataon na nakasama niya ang mga kilalang manlalaro ng bansa.
"Kasi sa totoo lang hindi talaga ako naglalaro [ng billiards] before. Pero dahil sa show na 'to nag-aral ako, inaral ko kung sino ang magagaling dito sa atin. And 'yun nakita ko sila lahat, sa YouTube pa lang 'yun," sabi ng aktres.
Dagdag niya, "Noong sinabi sa akin na magkakaroon ng taping day na kasama ko silang lahat, talagang na-starstruck ako. Hindi ako makapagsalita. Nakikinig lang ako sa kanilang lahat, parang hindi siya totoo. Sobrang saya at ang babait nilang lahat."
Patuloy na subaybayan ang huling pitong gabi ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG 'BOLERA' KASAMA SINA EFREN REYES, FRANCISCO BUSTAMANTE, RUBILEN AMIT, AT JOHANN CHUA RITO: