GMA Logo Kylie Padilla, Andrea Torres
What's Hot

Kylie Padilla shares photo with Andrea Torres: "Bagay ba kami?"

By Aimee Anoc
Published July 22, 2021 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Andrea Torres


Handa na ba kayo sa tambalang Kylie Padilla at Andrea Torres?

Isang araw pa lamang ang nakalipas nang sorpresahin ni Kylie Padilla ang netizens sa kissing scene nila ni Andrea Torres para sa bagong proyekto sa ilalim ng Rein Entertainment.

Nitong Miyerkules, July 21, muling na namang nag-post sa Instagram si Kylie ng larawan nila ni Andrea at makikitang magkayakap ang dalawa.

"Bagay ba kami?" tanong ni Kylie, na may kasamang hashtags "umamis" at "betcin."

Isang post na ibinahagi ni KYLIE (@kylienicolepadilla)

Noong Hunyo nag-post ang aktres ng script booklet na may pamagat na 'Betcin' kung saan makikita ang dalawang babae na magkahawak ng kamay.

Samantala nitong Lunes, July 19, nagpost naman si Kylie ng ilang litrato na tila nagpapahiwatig na nagsimula na syang magtrabaho para sa kanyang bagong proyekto.

Isang post na ibinahagi ni KYLIE (@kylienicolepadilla)

Samantala, mapapanood si Andrea Torres sa GMA upcoming series na Legal Wives bilang si Diane, ang pangalawang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Abangan ang world premiere nito sa July 26 sa GMA Telebabad.

Narito naman ang ilang stunning photos ni Kylie Padilla dito: