
Inamin ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi pa sila nagkakausap muli ng dati niyang nobyo at aktor na si Jake Cuenca.
Matatandaan na April 2022 nang kumpirmahin ni Jake na hiwalay na sila ng Miss International 2016 na si Kylie.
Sa panayam ng TV host na si Boy Abunda kay Kylie, tinanong niya ito kung nagkaroon na sila ng komunikasyon ng ex-boyfriend matapos ang halos isang taon na hiwalayan nila.
Sagot ni Kylie, “No, Tito Boy.”
Paliwanag niya, “I know it's been a long time, pero siguro in time, only time will tell if we're able to see each other in a very friendly setting.”
Sumangayon naman si Boy sa sinabi ng aktres. “Okay. Huwag pilitin din,” aniya.
Dagdag pa ni Kylie, “Ako, [ayaw ko] pilitin pero darating din ang panahon when we'll meet each other and maybe who knows time will only tell.”
Noong 2017 nang unang magkasama sina Kylie at Jake sa pelikulang Ang Panday. June 2019 naman nang kumpirmahin ni Jake ang relasyon nila ni Kylie sa isang press conference.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.Inside link:
SILIPIN NAMAN ANG JAW DROPPING PHOTOS NI KYLIE VERZOSA SA GALLERY NA ITO: