
Idinaan sa isang Instagram story ng Love At First Read actress na si Kyline Alcantara ang kanyang saya sa naging pagkikita nila ng It's Showtime host na si Vice Ganda.
Kamakailan, nag-bonding sa isang night party sina Kyline at Vice kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Ken Chan, Mavy Legaspi, at magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz.
“My new friends,” ani pa ni Vice sa kaniyang post kasama ang Sparkle artists.
Sa hiwalay na story, ibinahagi naman ni Kyline ang cute na mga larawan nila ni Vice kalakip ang caption na, “Sobrang saya ko na makausap na po kita, Ate @praybeytbenjamin.”
Nagpasalamat din ang aktres sa Unkabogable star, sa pagsagot umano sa mga katanungan niya tungkol sa industriya.
Aniya, “Thank you for answering all of my questions last night about the industry.”
“You are an inspiration,” dagdag pa ni Kyline.
“#FanGirlMoment,” caption pa ng aktres sa kaniyang post.
Matatandaan na naging mas posible pa ang pagkikita ng mga Kapuso at Kapamilya stars nang magsimulang umere ang noontime show na It's Showtime sa free channel ng GMA na GTV.
Samantala, mapapanood naman si Kyline at ang kanyang on-screen partner na si Mavy sa kilig series ng Love At First Read.
SILIPIN ANG ILAN PANG KAPUSO-KAPAMILYA FRIENDLY ENCOUNTERS SA GALLERY NA ITO: